Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre | Bandera

Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre

Ervin Santiago |January 04,2022
facebook
share this

Tatay ni Nadine botong-boto sa bagong dyowa ng anak; Christophe Bariou super close na sa pamilya Lustre

Ervin Santiago - January 04, 2022 - 11:51 AM

Nadine Lustre, Christophe Bariou kasama ang pamilya Lustre

MUKHA namang botong-boto ang tatay ng actress-singer at dancer na si Nadine Lustre sa kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou.

Feeling ng mga fans at social media followers ni Nadine, tanggap na ng tatay ng dalaga na si Ginoong Ulysses ang relasyon ng anak kay Christophe kahit medyo nagsisimula pa lang ang kanilang love story.

Mismong si Ulysses pa kasi ang nag-post ng mga litrato nila ng pamilya na kuha sa kanilang New Year’s celebration kung saan nakasama nga nila ang boyfriend ni Nadine.

Ibinahagi ng ama ng dalaga ang mga photos sa kanyang Facebook page at naroon nga si Christophe with Nadine at ang kanyang magulang at dalawang kapatid. 

“Goodbye 21. Hello 22. Happy New Year!” ang inilagay na caption ni Ulysses sa kanilang family photo na ayon sa mga netizens ay kuha sa bahay ni Nadine sa Makati. 

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama ni Christophe ang family ni Nadine. Kung matatandaan, ka-join din ang binata nang magbakasyon ang pamilya ng kanyang dyowa sa Siargao bago magpaalam ang 2021.

Samantala, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong ni Nadine kasama ang boyfriend sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao. 

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Christophe ay isa sa mga may-ari ng bonggang luxury resort sa Siargao kaya apektado rin ang kanilang kabuhayan sa isla.

Isa sa mga nagawang tulong ng magdyowa sa mga residente roon ay ang pagdo-donate ng solar panels. Tumulong din si Nadine sa paglalagay ng mga ito para agad na magamit ng mga tagaroon.

“The whole of the island still doesn’t have any power and no one really knows when it’s gonna come back so phones will be useful to use as lights.

“If there are people also who have rechargeable LED lights they can use that as well.

“Earlier, we were setting up the charging station, that’s a table that’s a bit wobbly na, it’s really the kids who were helping me fix the table. They’re the ones hammering nails inside para stable siya,” pahayag ni Nadine sa isang panayam kamakailan.

Last year naman nabalitang nagpapagawa na ang aktres ng sarili niyang bahay doon dahil may plano na rin itong doon manirahan tulad ng kapwa artistang si Andi Eigenmann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Christophe Bariou pormal nang ipinakilala ni Nadine sa ama?

Nadine Lustre, Christophe Bariou nagtulong para sa muling pagbangon ng Siargao

Rumored BF ni Nadine, aprub nga ba sa kanyang pamilya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending