Kapuso matinee idol Allen Ansay inaming hindi magaling mag-English: 'Sobrang nagulat ako kasi gaganap akong mayaman!' | Bandera

Kapuso matinee idol Allen Ansay inaming hindi magaling mag-English: ‘Sobrang nagulat ako kasi gaganap akong mayaman!’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Kapuso matinee idol Allen Ansay inaming hindi magaling mag-English: ‘Sobrang nagulat ako kasi gaganap akong mayaman!’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 08:06 AM

Kapuso matinee idol Allen Ansay inaming hindi magaling mag-English: 'Sobrang nagulat ako kasi gaganap akong mayaman!'

Allen Ansay at Sofia Pablo

NAGPAKATOTOO ang Kapuso young actor na si Allen Ansay sa naganap na presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang LUV IS…Caught In His Arms” kasama si Sofia Pablo.

Walang pag-aalinlangang inamin ng binata na hindi talaga siya magaling mag-English kaya naman extra challenge sa kanya ang karakter na ginagampanan niya sa “LUV IS.”

Sa kuwento ng latest romcom series ng GMA ay bibida nga si Allen bilang si Nero Sebastian Ferell, na isang campus heartthrob at mula sa napakayamang pamilya, na mapo-fall sa karakter ni Sofia na isa namang aspiring chef.

Sa isang bahagi ng presscon ay inamin nga ni Allen na hindi siya masyadong magaling sa English kaya naman nagpapasalamat siya sa mga bossing ng GMA na sa kanya ipinagkatiwa ang role ni Nero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Allen Ansay (@itsmeallenansay)


“Nagpapasalamat ako sa GMA Network at sa Sparkle sa ibinigay na tiwala sa amin. Ibinigay ko yung 100 percent ko kasi si Nero Sebastian Ferell napakalayo sa totoong Allen, magsalita, gumalaw, mayaman.

“Sa mga nakakaalam po, before sa mga ginagampanan namin si Sofie, talagang siya yung mayaman, ako lang yung mahirap.

“Sobrang nagulat ako kasi gaganap ako na mayaman. Paano ko ito gagawin?” pahayag ni Allen sa mediacon ng “LUV IS” kahapon.

Super thankful din siya kay Sofia at sa direktor nilang si Barry Gonzales na gumabay sa kanya sa mga eksenang kailangan niyang mag-English.

“Nagpapasalamat ako kay Direk Barry, sa lahat ng mga nagtiwala sa akin, as in word for word, hindi ako magaling mag-Ingles.

“Gusto ko nu’ng gumawa kami ng mga eksena, kapag pinakinggan yung salita ni Nero, sasabihin nila, ‘Ah, magaling itong magsalita. Magaling itong mag-English.’

“Kaya ngayon po, nagpapasalamat ako. Masayang-masaya ako dahil ginawa ko si Nero,” sabi pa ni Allen.

Pagbabahagi naman ni Sofia, talagang kinarir ng kanyang ka-loveteam ang pagsasalita ng English para magampanan nang makatotohanan ang karakter ni Nero.

Sey ni Sofia, “Ang na-discover ko kay Allen, kaya pala niyang maging magaling sa English. Kasi before, nung nakilala ko siya, very probinsyano.

“Parang nahihiya siyang mag-English so medyo kinakausap ko siya ng English kapag offcam.

“Tapos, sasabihin niya, ‘Anong ibig sabihin nun?’ So, nu’ng ibinigay yung Nero role, medyo kinabahan din naman ako kasi, ‘Paano si Allen?'” aniya pa.

“Natuwa ako kasi nu’ng nagpa-practice kami ng script, talagang word by word. Nakikita ko yung history niya sa Safari saka YouTube, puro pronunciation ng words yung sine-search niya.

“And every time bago kami mag-take, ‘Sofie, tama ba yung pronunciation ko?’ So, natuwa ako kasi ngayon, mas nakakapag-English na siya,” dagdag ng dalaga.

Samantala, matinding pressure rin ang nararamdaman ngayon ng magka-loveteam dahil ang “LUV IS: Caught In His Arms” ay mapapanood sa GMA Telebabad.

“I am really thankful na pinagkatiwalaan na kami ni Allen for prime-time series.

“May pressure talaga kasi the timeslot, from Start-Up ni Miss Bea Alonzo and si Kuya Alden Richards; now Mano Po, sina Miss Aiko, Miss Beauty; and now, kami naman ni Allen.

“Ang saya-saya po namin, pero may halong pressure kasi, ‘Makakapagpakilig na ba tayo ng ganoong karaming tao, kung paano nakapagpakilig ang Miss Bea and Kuya Alden?'” pahayag pa ni Sofia.

Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa ‘Raya Sirena’: Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa

Sumbong ni Sofia Pablo sa pang-aasar ni Allen Ansay: Parang hindi siya magiging masaya kundi niya ako pipikunin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sofia Pablo nakatanggap ng bonggang regalo mula sa GMA, magbabalik na bilang Raya Sirena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending