Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa 'Raya Sirena': Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa | Bandera

Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa ‘Raya Sirena’: Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa

Ervin Santiago |June 05,2022
facebook
share this

Sofia maraming natutunan sa pagganap na mermaid sa ‘Raya Sirena’: Basta huwag kayong susuko dahil laging may pag-asa

Ervin Santiago - June 05, 2022 - 10:55 AM

Sofia Pablo, Allen Ansay at Saviour Ramos

NAPAKARAMING natutunan ng Kapuso young actress na si Sofia Pablo sa hit fantaseries ng GMA na “Raya Sirena”.

Ngayong araw na mapapanood ang finale episode ng programa mula sa pinagsanib na pwersa ng GMA at Regal Entertainment na pinagbibidahan nga nina Sofia, Allen Ansay at Saviour Ramos.

At sa pagtatapos nga ng “Raya Sirena”, ibinahagi ng young actress ang ilang life lesson na natutunan niya sa pagganap bilang isang sirena.

Aniya sa panayan ng GMA, “Greatest lesson na natutunan ko sa ‘Raya Sirena’ ay huwag susuko dahil laging may pag-asa.

“Sa buhay ni Raya, she grew up believing na wala na rin ang kanyang ina, not knowing all this time, buhay pala ang mommy niya pero pinili maging bato ang buntot para sa kaligtasan niya.

“Kaya tulad ng kuwento ni Raya, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa,” pahayag ng dalagita.
Siguradong mami-miss daw niya ang mga co-stars sa serye at ang buong produksyon ng “Raya Sirena”  dahil naging parang tunay na pamilya na ang naging turingan nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


“Pinakamami-miss ko sa fellow cast members ko ay ‘yung bonding namin off screen kasi dahil nga nasa beach kami, hindi namin maramdaman ‘yung pagod or nagtatrabaho kami, lahat ang gaan-gaan kasi magkakasundo kaming lahat, walang bad vibes!” chika ni Sofia na unang nakilala sa hit Kapuso series na “Prima Donnas.”

Samantala, nagkuwento rin si Sofia tungkol sa co-star niya sa serye na si Saviour Ramos na gumaganap ding merman sa nabanggit na fantaseries.

Aniya, nagulat daw siya nang malamang napakagaling lumangoy at sumisid ng binata sa ilalim ng dagat suot ang kanyang buntot bilang sireno.

“‘Yung paglangoy ko with Saviour, nagulat ako kasi ang galing pala talaga niya. Kapag tinatanong kasi namin siya kung marunong siyang lumangoy, sasabihin niya lang, ‘Oo, marunong naman.’

“Then pagkalubog niya sa dagat, nagulat ako kasi ang galing niya rin mag-mermaid swimming? And then ‘yung sa ibang clips namin ni Saviour, mostly nu’n siya talaga ‘yung nag-isip ano’ng gagawin namin,” ang masayang kuwento pa ni Sofia patungkol sa anak ni Wendell Ramos.

Sa huling pasabog ng “Raya Sirena”, alamin kung ano ang mangyayari sa misyon ni Raya na tuklasin ang tunay niyang pagkatao? Titigil na kaya ang kanyang tiyahing si Helga (Shirley Fuentes) sa masama nitong balak sa kanya ngayong kasama na niya ang kanyang inang si Elena (Bernadette Allyson)?

Mapapanood ang finale ng “Raya Sirena” mamayang hapon, 3:05 p.m. sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/310438/sofia-pablo-hindi-nahirapang-gumanap-na-sirena-sanay-na-ako-mag-swim-ng-may-buntot

https://bandera.inquirer.net/310138/sofia-pablo-nakatanggap-ng-bonggang-regalo-mula-sa-gma-magbabalik-na-bilang-raya-sirena

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284980/juday-umiyak-nang-bongga-nang-mapurnada-ang-pagganap-na-sirena-sa-dyesebel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending