Sofia Pablo nakatanggap ng bonggang regalo mula sa GMA, magbabalik na bilang Raya Sirena | Bandera

Sofia Pablo nakatanggap ng bonggang regalo mula sa GMA, magbabalik na bilang Raya Sirena

Ervin Santiago |April 07,2022
facebook
share this

Sofia Pablo nakatanggap ng bonggang regalo mula sa GMA, magbabalik na bilang Raya Sirena

Ervin Santiago - April 07, 2022 - 08:33 AM

Sofia Pablo

BONGGANG regalo ang natanggap ng Kapuso young actress na si Sofia Pablo mula sa GMA 7 para sa kanyang ika-16 kaarawan ngayong taon.

Bukod sa early birthday celebration na ibinigay sa “Prima Donnas” star ng kanyang Sparkle GMA Artist family, ay may isa pa nga siyang natanggap na gift mula sa kanyang mother network.

Sa darating na April 10 ay 16 na ang dalagita at sa advanced birthday celebration nga niya kamakalawa ay nakasama rin niya ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay.

Ipinost ni Sofia sa Instagram ang ilang litrato na kuha sa kanyang surprise party na may caption na, “Thank you to my @gmanetwork and @sparklegmaartistcenter family for my advanced Sweet 16th lunch treat!!! And of course! Thank you Aki @itsmeallenansay for being there with me!”

At kaya raw binigyan ng maagang birthday celebration si Sofia ng Sparkle ay dahil sasabak na siya sa lock-in taping ng pagbibidahan niyang mini-series na “Raya Sirena” — ang isa pang gift sa kanya ng GMA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofia Pablo (@sofiapablo)


In fairness, nagsimula lang ang “Raya Sirena” as one of the episode ng “Regal Studio Presents” noong nakaraang taon pero nagdesisyon ang GMA na gawin itong mini-series na may pitong episode. Makakasama pa rin dito ni Sofia si Allen.

Sa pagbabalik ng “Raya Sirena”, ipagpapatuloy ang kuwento ni Raya at ang sumpang napunta sa kanya noong magbakasyon siya sa kanilang beach resort sa Casa Elena.

Dito, malalaman na ang pagiging sirena pala niya ay mas malalim pang pinaghuhugutan kaya sa tulong ng kanyang close friend na si Gavin (Allen), marami silang madidiskubre sa kanilang journey of self-discovery.

“Excited na po ako sa gagawin naming ito ni Allen. From being one episode, naging series na po ang Raya Sirena na marami ang nabitin sa kuwento.

“Ngayon po, may buong kuwento na siya at babalik ako sa pagsuot ng mermaid’s tail,” pahayag ni Sofia.

Sumbong ni Sofia Pablo sa pang-aasar ni Allen Ansay: Parang hindi siya magiging masaya kundi niya ako pipikunin

Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

Nadine natupad na ang pangarap maging sirena, sigaw ng fans: ‘Dyesebel, beke nemen!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending