Carlo Aquino kinumpirmang 'dating' na sila ni Charlie Dizon | Bandera

Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

Therese Arceo |January 06,2023
facebook
share this

Carlo Aquino kinumpirmang ‘dating’ na sila ni Charlie Dizon

Therese Arceo - January 06, 2023 - 04:39 PM

Carlo Aquino kinumpirmang 'dating' na sila ni Charlie Dizon
MISMONG ang aktor na si Carlo Aquino na nga ang nag-confirm na nasa “dating” stage na sila ng aktres na si Charlie Dizon.

Sa kanyang interview kay MJ Felipe ay diretsahan na ngang sinagot ng aktor ang matagal nang tanong ng madlang pipol kung ano ang real score sa kanila ng aktres.

“Yes,” ang sagot ni Carlo nang tanungin siya ni MJ kung lumalabas ba silang dalawa.

Pagkukwento niya, magkasama silang nag-celebrate noong New Year’s Eve sa La Union kasama ang kanyang pamilya.

“‘Yung brother ko hindi nakauwi from Sydney tsaka ‘yung wife niya for 2 years dahil nga sa pandemic. So pag-uwi nila, ‘yung mga relatives ng sister-in-law ko pumunta,” saad ni Carlo.

Nang tanunging muli kung dating nga sila ay sinagot ng aktor na nasa “getting to know” stage sila.

Dito ay ikinuwento na nga ni Carlo kung paano sila naging magkalapit ni Charlie.

“‘Di ba nagkasama kami sa A Soldier’s Heart, nagkakilala kami doon tapos nag-US tour. Mas nakilala ko siya tapos pag-uwi, ayun… ” paglalahad pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)

Sa panayam naman ni kay MJ Marfori ay sinabi niyang kinikilala niya si Charlie.

“Kinikilala ko si Charlie. Very positive yung pasok niya sa buhay ko,” sey ni Carlo sa ginanap na media conference nito paea sa pelikulang “I Love Izzy” kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

Matatandaang kamakailan ay umugong ang balitang may namamagitan nga sa pagitan ng dalawa matapos mapansin ng mga netizens ang “closeness” sa pagitan nila sa larawang ibinahagi ni Charlie sa Instagram.

Kasa-kasama pa nga niya si Carlo habang nakikipag-bonding sa kanyang mga kaibigan.

Related Chika:
Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers…o ‘as friends’ lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz sa relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: Feeling ko, sila na…

‘Gusto ko nang bumitaw’ swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending