Elisse, Charlie, Alexa, Loisa mas na-push pa ang pagiging aktres sa ‘PPP’
SIGURADONG ikawiwindang at ikaka-shock ng mga manonood ang mga pasabog nina Loisa Andalio, Alexa Ilacad, Elisse Joson at Charlie Dizon sa finale week ng “Pira-Pirasong Paraiso”.
Pasabog kada pasabog kada pasabog daw ang mangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng naturang serye kasabay ng paglantad ng mga lihim ng bawat karakter.
Ayon sa apat na bida ng “Pira-Pirasong Paraiso”, kahit sila ay nagulat sa mga mangyayaring plot twist sa kuwento kaya ang pakiusap nila sa madlang pipol, huwag na huwag nang bibitaw sa huling linggo ng kanilang programa.
View this post on Instagram
“We have been doing a lot of drama ever since, but this is on another level. I personally never reached this level. Thankful kami kay Direk, EPs (executive producer), they really push us.
Baka Bet Mo: Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!
“May times we can’t do this anymore, pero they really helped us discover more. The possibilities our endless,” chika ni Alexa sa naganap na finale mediacon ng serye.
“Kung ano pang kakahayahan namin naipakita rito. Lalo na nag-action kami. Hindi kami nag-training pero nakita namin na pwede pala magawa next time,” sey naman ni Loisa.
Para naman kay Elisse, “Dito, na-stretch kung ano pa ang kaya naming gawin. Marami pa pala. Nu’ng una talagang natakot ako kung kaya ko ba yung development sa character ko.
“And dahil na rin sa tulong ng buong production at sa co-stars namin, kinaya naman. Kaya sana tumutok sila hanggang ending,” sey pa ng partner ni McCoy de Leon.
View this post on Instagram
Sabi naman ni Charlie, napakarami nilang natutunan mula sa mga seasoned actors na nakasama nila sa “Pira-Pirasong Paraiso” tulad nina Snooky Serna, Sunshine Dizon, Epy Quizon, Rosanna Roces at Gardo Versoza.
Baka Bet Mo: Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!
“Matututo ka sa mga kasama mo. Maggo-grow ka talaga. Mas mature role na to, first time ganito ang character ko. Hindi ko akalain na may ilalabas na ganu’n. Ang dami ko pa pala kailangang i-improve na ‘di ko napapansin dati,” aniya.
Dagdag pa ni Elisse, “Collaborative kami sa bawat character. Marami kaming input. Ang daming suggestions for each other. Masaya kasi napag-uusapan namin how to connect more and deeply.”
“Pira-Pirasong Paraiso” is a co-production series between ABS-CBN and TV5 and directed by Raymund Ocampo and Roderick Lindayag. Napapanood ito tuwing 2 p.m., mula Lunes hanggang Biyernes, sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.