Elisse Joson ‘naloka’ sa balitang may 2nd baby na sila ni McCoy

Elisse Joson ‘naloka’ sa balitang may 2nd baby na sila ni McCoy: Nilagnat lang po ako ‘nung isang araw!

Pauline del Rosario |July 14,2023
facebook
share this

Elisse Joson ‘naloka’ sa balitang may 2nd baby na sila ni McCoy: Nilagnat lang po ako ‘nung isang araw!

Pauline del Rosario - July 14, 2023 - 03:36 PM

Elisse Joson ‘naloka’ sa balitang may 2nd baby na sila ni McCoy: Nilagnat lang po ako ‘nung isang araw!

PHOTO: Instagram/@elissejosonn

NALOKA at pinagtawanan ng aktres na si Elisse Joson ang usap-usapan patungkol sa kanyang buntis isyu.

kumakalat kasi ngayon ang tsismis na ipinagbubuntis niya ang second baby nila ng partner na aktor na si McCoy de Leon.

Na-interview mismo ng entertainment journalist na si Gretchen Fullido ang aktres, kasama ang kaibigan nito na si Charlie Dizon at pareho nilang pinabulaan na nagdadalang-tao si Elisse.

Sa ABS-CBN television news na TV Patrol, diretsahang tinanong ni Gretchen si Elisse kung siya nga ba ay buntis.

Baka Bet Mo: Elisse sa part 2 ng love story nila ni McCoy: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito!

Bigla namang natawa si Elisse at sabay sabing, “Nakakaloka! Magtatrabaho po muna tayo.”

Paliwanag niya, “Nilagnat lang po ako ‘nung isang araw pero hindi po ako pregnant.”

Dinugtungan naman ni Charlie ang naging sagot ni Elisse at kwento pa niya, “Kasi may naghanap kay Elisse ‘nung nag-promo kami. Tapos parang ang daming nag-react kung bakit siya lang ‘yung wala, pero ang totoo nilagnat talaga si Elisse.”

Ibinandera rin mismo ni Gretchen sa kanyang TikTok account ang naging usapan nilang tatlo behind-the-scenes.

“May revelation tayo Charlie and Elisse, preggy ka raw?,” sey ng news anchor sa video.

Sambit ni Charlie, “Nakakatawa. Sabi nga namin, na-delay ‘yung balita. Two years ago po ’yun.”

Pagtataka naman ni Elisse, “San kaya nanggaling ‘yun?”

Pabiro pang sinabi ni Charlie habang tumatawa, “Mahihirapan pa siyang mag-isip kung saan siya kukuha ng baby na ipapakita.”

@gretchenfullidoofficial @elissejosonn answers rumors that she’s pregnant with a second child with @mccoydeleon 😅 The ANSWER coming straight from Elisse & @charliedizon_ = NO! 🤪 #elissejoson #issue #pregnant #buntis #mccoydeleon #pirapirasongparaiso #tvpatrol #starpatrol #showbiz #entertainment ♬ original sound – Gretchen Fullido Official

Kung matatandaan, nauna nang itinanggi ni McCoy ang buntis isyu ng kanyang partner matapos ma-interview ng veteran showbiz columnist na si Gorgy Rula sa isang radio show sa DZRH.

Magugunita noong Enero ay diretsahang inamin ng aktor na hiwalay na sila ni Elisse, pero makalipas ang isang buwan ay nagkabalikan ang couple at ang isinaalang-alang daw nila ay ang kanilang anak na si Felize.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens naloka sa ‘vaccine hugot’ ni Nikko; Jinkee super Inglisera sa socmed

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending