'Gusto ko nang bumitaw' swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino | Bandera

‘Gusto ko nang bumitaw’ swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

Ervin Santiago |January 02,2023
facebook
share this

‘Gusto ko nang bumitaw’ swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

Ervin Santiago - January 02, 2023 - 04:45 PM

'Gusto ko nang bumitaw' swak na swak sa hiwalayang Trina Candaza at Carlo Aquino

Trina Candaza at Carlo Aquino

SA gitna ng kumakalat na chika tungkol sa umano’y relasyon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, may patutsada naman sa aktor ang dati niyang partner na si Trina Candaza.

Kahapon, sa mismong unang araw ng Bagong Taon, ay tila may patutsada si Trina kay Carlo tungkol sa naging mapait na karanasan niya sa relasyon nila ng Kapamilya actor.

Nag-post si Trina sa kanyang Instagram account kahapon, January 1, 2023, kung saan binalikan niya ang alaala ng isang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya pero hindi naman pala siya kayang panindigan.

Walang pangalan na binanggit ang vlogger naniniwala ang mga netizens na si Carlo nga ang tinutukoy sa kanyang IG post base na rin sa mga detalyeng ibinahagi ni Trina.

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all.

“We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)


“But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life,” ang patutsada ni Trina sa dating karelasyon

May anak sina Carlo at Trina, ang two-year-old na ngayong si Enola Mithi. Nasa pangangalaga ni Trina ang bata na mag-isa niyang pinapalaki at itinataguyod ngayon.

Sa isang bahagi pa ng IG post ni Trina ay ibinida rin niya ang ilang blessings na natanggap niya nitong nagdaang taon.

“Pero, Sa tuwing may nawawala may pumapalit. And looking back, I’ve realized that me and Mithi have been very blessed with the people around us. Providing me support and opportunities,” pagbabahagi ni Trina.

Aniya pa, nagkaroon siya ng apat na endorsements, nakabili ng sariling sasakyan, nakapagpundar ng tatlong negosyo at marami pang iba.

“Thank you to all the people who have helped me and Mithi, you know who you are, we love you and we are very grateful for all the help and love. 2022, you are the year that built me,” dugtong pa ni Trina.

Maraming nagkomento sa post ni Trina at halos lahat ay bumatikos kay Carlo dahil hindi raw niya napanindigan ang kanyang mag-ina.

May mga nagtanong naman kung may bagong problema ang dating magdyowa dahil ang alam nila ay maayos na ang kanilang co-parenting set-up.

Noong magdiwang kasi ng 2nd birthday ang anak nila (last September 7) ay nagkasama pa sila sa birthday party ng bata. Mismong si Trina pa ang nag-post ng kanilang “family picture.”

Nasabi rin ni Trina sa isa niyang vlog maayos na uli ang relasyon nila ni Carlo para na rin sa kapakanan ng kanilang anak. Sa katunayan, pinapayagan na niyang bumisita si Carlo sa kanyang condo unit para  makita ang anak.

Sabi pa nga ni Trina, hindi raw imposibleng magkabalikan sila ni Carlo. Pero sa tono ng IG post ng content creator, mukhang hindi na naman sila okay ng aktor.

May kinalaman kaya ito sa chikang nagkakamabutihan na sina Carlo at Charlie Dizon? Magkasama sila ngayon sa Kapamilya series na  “Love on a Budget” na ipalalabas ngayong 2023.

Trina Candaza nakiusap sa netizens: Wag n’yo na po akong i-tag

Carlo Aquino, Trina Candaza magkasamang nag-celebrate ng birthday ni Mithi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Trina Candaza kinarma raw dahil sa ginawa kay Angelica: Nanahimik ako para kay Carlo, pero wala akong inagaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending