Julia, Carlo kumasa na sa taping sa Japan

Julia, Carlo kumasa na sa taping sa Japan, magtatambal sa ‘Hold Me Close’

Pauline del Rosario |March 29,2024
facebook
share this

Julia, Carlo kumasa na sa taping sa Japan, magtatambal sa ‘Hold Me Close’

Pauline del Rosario - March 29, 2024 - 01:18 PM

Julia, Carlo kumasa na sa taping sa Japan, magtatambal sa ‘Hold Me Close’

PHOTO: Instagram/@viva_films

MULING magpapakilig sina Julia Barretto at Carlo Aquino sa kanilang fans!

Magkakaroon kasi sila ng reunion movie na “Hold Me Close” mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sa kasalukuyan, sila ay nasa bansang Japan upang umpisahan na ang paggawa ng pelikula.

Sa isang Instagram post, ibinandera ng Viva Films ang ilang posters at isang camera shot ng loveteam para sa upcoming film.

“‘Hold Me Close’ now filming in Japan with Jairus Aquino and Migo Valid,” caption ng film production company na tinutukoy ang dalawa pang aktor na parte ng proyekto.

Baka Bet Mo: Claudine nag-worry sa pagkikita nina Julia at Bea: Hindi ‘yan matapang

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

May pa-teaser din ang dalawa sa Instagram Stories at ibinida ang sneak peek ng pelikula.

Julia, Carlo kumasa na sa taping sa Japan, magtatambal sa ‘Hold Me Close’

PHOTOS: Screengrab from Instagram Stories

Base sa IG page ni Direk Jason, nauna siyang nagpunta sa Japan noong March 22, habang ang mga artista ay dumating noong March 26.

Baka Bet Mo: Carlo handa nang pakasalan si Charlie, pero fake news ang ‘proposal’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Paul Laxamana (@jplaxamana)

Ang “Hold Me Close” ay ang second project nina Julia at Carlo together.

As of this writing, wala pang detalye kung kailan ito ipapalabas, kung sino ang iba pang cast members at saan iikot ang kwento ng pelikula.

Kung matatandaan, taong 2022 nang huling magtambal ang dalawa sa romantic drama film na “Expensive Candy.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang kauna-unahang venture ni Julia pagdating sa “sexy” genre.

Maganda ang tema at konsepto ng pelikula na umiikot sa buhay ng isang “pokpok” na si Candy played by Julia at sa virgin na teacher na si Toto, na ginagampanan naman ni Carlo.

Samantala, ilan sa mga blockbuster hits na ginawa ni Direk Jason ay ang “100 Tula Para Kay Stella,” “The Day After Valentine’s” at “Just A Stranger.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending