Claudine nag-worry sa pagkikita nina Julia at Bea sa party ni Mr. M

Claudine nag-worry sa pagkikita nina Julia at Bea: Hindi ‘yan matapang

Ervin Santiago |March 24,2024
facebook
share this

Claudine nag-worry sa pagkikita nina Julia at Bea: Hindi ‘yan matapang

Ervin Santiago - March 24, 2024 - 08:20 AM

Claudine nag-worry sa pagkikita nina Julia at Bea: Hindi 'yan matapang

Claudine Barretto, Julia Barretto at Bea Alonzo

ISA si Claudine Barretto sa mga natuwa sa pagbabati nina Julia Barretto at Bea Alonzo na nangyari sa tribute party ni Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M.

Nangyari ito sa Marriott Hotel last Saturday, March 16, na dinaluhan ng mahigit 100 celebrities na naging malapit sa starbuilder na dating head ng Star Magic.

Nag-viral sa social media ang short video kung saan nakunan ngang nagyakapan at nagbeso sina Bea at Julia. Nagtatawanan din ang dalawang aktres habang nagchichikahan.

Baka Bet Mo: Julia may ibinuking tungkol sa tunay na ‘pagkatao’ ni Gerald

Kung hindi kami nagkakamali, this is the first time na nagkrus muli ang landas nina Bea at Julia matapos ang kontrobersyal na breakup nina Bea at Gerald Anderson noong 2019.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Julia kasi ang itinuturong third party sa nasirang relasyon nina Bea at Gerald pero mariin itong idinenay ng dalaga at sinabing never siyang nang-agaw o nang-ahas ng dyowa nang may dyowa.

“Sobrang na-happy ako doon. That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang.

“Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya. Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, hindi, sama siya sa akin,” pahayag ni Claudine.

Baka Bet Mo: Pambabasag ni Bea laban kay Gerald babala nga ba kay Julia?

Feeling din ng aktres, matagal nang  naka-move on si Bea sa kontrobersyang kinasangkutan nila ni Julia kaya naging madali lang para sa kanila ang magkaayos.

“Pero knowing Bea also, alam ko wala na iyon sa kanya,” sey ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kasunod nito, maraming netizens naman ang nagre-request na sana’y magsama sa isang project sina Bea at Julia plus Gerald. Siguradong papatok daw sa takilya kapag pinagsama-sama sila sa pelikula.

Matatandaang pinatutsadahan ni Bea sa isang cryptic post sa Instagram si Gerald nang sumabog na ang balitang naghiwalay na sila nang dahil sa third party.

“You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH!” aniya pa.

Sa isang interview naman sa kanya ng media diretsahan na niyang inamin na hiwalay na sila ni Gerald, “Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

May Instagram post naman si Julia noong August, 2019 kung saan dinenay ng aktres na siya ang rason ng paghihiwalay nina Bea at Gerald.

“I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their breakup.

“I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own,” ani Julia.

Bukod dito, pinangalanan din ni Julia si Bea sa isa niyang post sa social media matapos malamang nila-like ng Kapuso actress ang mga balita online na about the alleged Julia and Gerald relationship.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“You can play the victim all you want, but I refuse to be your victim,” ang matapang na pagkompronta ni Julia noon kay Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending