Ogie Diaz sa relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: Feeling ko, sila na… | Bandera

Ogie Diaz sa relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: Feeling ko, sila na…

Pauline del Rosario |January 05,2023
facebook
share this

Ogie Diaz sa relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: Feeling ko, sila na…

Pauline del Rosario - January 05, 2023 - 01:54 PM
Ogie Diaz sa relasyon nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: Feeling ko, sila na…

MAY pakiramdam ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na may namumuo ngang relasyon sa pagitan ng rumored celebrity couple na sina Charlie Dizon at Carlo Aquino.

‘Yan ang kanyang sinabi sa kanyang latest YouTube video sa “Showbiz Update” kasama si Mama Loi.

Isa kasi sa mga naging hot topic nila ay ‘yung nag-viral na photo ng dalawa sa isang restaurant na may kasamang ilang mga kaibigan.

Agaw-pansin sa nasabing picture ang pagiging super close ng dalawa na makikitang magkaangkla pa ang mga kamay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)

Sabi tuloy ni Ogie sa chikahan nila ni Mama Loi, “Ako feeling ko, sila na. Kasi ‘diba tinutukso pa sila.”

Ang tinutukoy nilang mga nanunukso ay ‘yung mga nag-comment sa viral photo na sina Jolina Magdangal at Dimples Romana na tila raw ay may alam sa tunay na estado nina Charlie at Carlo.

“Pag nanukso ‘yan, ang ibig sabihin, may alam sila doon sa dalawa,” sey ni Ogie.

Bukod sa viral photo ng rumored couple ay nagbigay din ng komento si Ogie tungkol sa naging pahayag ng ex-girlfriend ni Carlo na si Trina Candaza na tila may patama pa sa aktor.

May nabanggit si Trina sa kanyang caption sa Facebook na tungkol sa isang lalake na inakala niyang magtataguyod sa kanilang mag-ina pero iniwan sila.

Sey sa post, “We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.

“But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life.”

Komento naman diyan ni Ogie, “Siyempre may magsasabi diyan na parang Bitter Ocampo si Trina or may pag-ibig pa si Trina na natitira kay Carlo, or hindi pa rin siya sumusuko na baka sakali na dahil mayroon silang link, ‘yung kanila ngang anak na si Mithi eh baka magkabalikan pa rin sila para kay Mithi.”

Patuloy pa ng talent manager, “Kasi alam mo, naniniwala ako diyan na kung wala talaga ‘yan then go go, sige basta happy ka diyan kay Charlie Dizon, go ka lang basta huwag mo kakalimutan ang anak mo ha.”

“At the end of the day, may anak kayo. Ang importante ay maganda ang relasyon ninyo sa paningin ng mga anak niyo na magkaibigan pa rin kayo kahit wala na kayo,” aniya.

Sa mga hindi pa nakakaalam, magkatambal sina Charlie at Carlo sa pelikula ng ABS-CBN Films na “Love on a Budget ” na ipapalabas ngayong taon.

Sa panayam namin kay Carlo, ilang buwan na ang nakararaan ay kinumpirma nga niyang naghiwalay na sila  ng dating partner na si Trina Candaza.

Mayroon silang anak na si Mithi at siya’y two years old na.

Bukas naman ang BANDERA kina Charlie at Dizon upang linawin ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers…o ‘as friends’ lang?

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Charlie Puth nagdiwang ng kaarawan, ibinandera ang non-showbiz girlfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending