Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers...o 'as friends' lang? | Bandera

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers…o ‘as friends’ lang?

Ervin Santiago |January 04,2023
facebook
share this

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers…o ‘as friends’ lang?

Ervin Santiago - January 04, 2023 - 08:38 AM

Carlo Aquino, Charlie Dizon magka-date nga ba sa La Union bilang lovers...o 'as friends' na naman?

Charlie Dizon at Carlo Aquino (Photo from Halo Halo de Iloko La Union FB page)

KAILAN naman kaya aamin sa madlang pipol ang rumored couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon?

Usap-usapan pa rin ngayon ng mga Marites ang dalawang Kapamilya stars matapos bumandera sa social media kamakailan ang sweet photos nila together.

At nito nga lang nagdaang Lunes, January 2, spotted again sina Carlo at Charlie na magkasama sa loob ng isang restaurant sa La Union.

Sa Facebook page na Halo Halo de Iloko La Union unang in-upload ang mga litrato nina Carlo at Charlie. May isa pa silang picture na kuha rin sa loob ng resto na may mga kasama naman sa lamesa.

Ang nakalagay na caption sa nasabing Fb post, “CARLO AQUINO is in the house! it’s nice to see you again! (smiling face emoji).”

Nagsimulang ma-link sina Carlo at Charlie bago magpaalam ang taong 2022 matapos mag-post si Charlie noong December 29, 2022 ng sweet photo nila ni Carlo.

Kasama naman nila ang ilan nilang mga kaibigan sa litrato pero nabigyan ito ng malisya dahil magkadikit nga sila at magkaangkla pa ang mga kamay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Charlie Dizon (@charliedizon_)


Kaya naman ang tanong ng mga netizens, magdyowa na nga ba ang dalawa o baka naman super close lang talaga sa isa’t isa dahil magkatambal sila sa bagong pelikula ng ABS-CBN Films na “Love on Budget” na ipalalabas ngayong 2023.

Matapos ngang umingay ang chika tungkol sa dalawa, nagpatutsada naman kay Carlo ang ex-partner niyang si Trina Candaza noong mismong Bagong Taon, January 1, 2023.

Aniya sa kanyang Instagram post,  “Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all.

“We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us.

“But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life,” ang patama pa ng vlogger kay Carlo.

May isang anak sina Trina at Carlo, ang two-year-old na ngayong si Enola Mithi.

Charlie Dizon palaban, walang inuurungan; game na game magpaka-daring

Carlo Aquino, Charlie Dizon magdyowa na nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Janno Gibbs ramdam na ramdam ang lindol sa La Union; Sunshine Guimary naiyak, na-trauma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending