Thea Tolentino 10 years na sa GMA, loyal Kapuso pa rin: ‘Hindi ko inakala na marami akong mararating at matututunan’
TEN years na ang magaling na Kapuso Contravida na si Thea Tolentino sa GMA 7.
In fairness, parang kailan lang noong ma-interview namin ang dalaga matapos siyang manalo bilang “Female Battle Champ” ng reality TV series ng GMA na “Protege: The Battle for the Big Artista Break” noong 2012.
Sampung taon na pala ang nakararaan mula nang mabigyan siya ng pagkakataon na tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging isang artista.
Inalala ni Thea sa pagpasok ng Bagong Taon yung panahong nangangarap pa lamang siya na maging aktres. Aniya, second year high school siya noong maramdaman ang kagustuhang makapasok sa showbiz.
“Hindi ko alam kung saan magsisimula noon basta ang alam ko kailangan ko ng character development workshops.
View this post on Instagram
“Two years later, wala akong ginawa about it until nu’ng tinray kong mag-audition for Protege Season 2,” ang bahagi ng post ni Thea sa Instagram.
At hindi nga raw niya akalain na siya ang tatanghaling ikalawang “Female Battle Champ”.
“To my surprise, isa ako sa mga nanalo. Malaking pasasalamat sa family, friends, and fans sa walang sawang sumuporta,” pahayag ng dalaga na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Mano Po Legacy: The Flower Sisters.”
Proud and loyal Kapuso pa rin si Thea until now at last November ay pumirma uli siya ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
“It’s been 10 years mula no’n at hindi ko inakala na marami akong mararating at matututunan.
“Bago matapos ang taong ito, ulitin ko lang na I am truly grateful for a decade with GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, at sa lahat ng mga nakilala ko, thank you.
“Salamat at pinagkatiwalaan n’yo ako mula sa mabait kong roles hanggang sa pagsampal sa iba n’yong artista. To more years as a Kapuso. Forever proud to be Kapuso!” ang mensahe pa ng aktres na ipinost niya sa kanyang Instagram page.
Thea may payo sa mga ‘middle child’ na kinikimkim ang sama ng loob sa pamilya
Jericho Rosales bibida sa ‘Sellblock’; Francine Diaz pag-aagawan ng tatlong lalaki sa ‘Bola Bola’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.