MMFF 2022 Movie Review: 'Partners in Crime' hindi lang tawa at kilig ang hatid; tambalang Vice-Ivana patok sa madlang pipol | Bandera

MMFF 2022 Movie Review: ‘Partners in Crime’ hindi lang tawa at kilig ang hatid; tambalang Vice-Ivana patok sa madlang pipol

Therese Arceo |January 01,2023
facebook
share this

MMFF 2022 Movie Review: ‘Partners in Crime’ hindi lang tawa at kilig ang hatid; tambalang Vice-Ivana patok sa madlang pipol

Therese Arceo - January 01, 2023 - 07:34 PM

 MMFF 2022 Movie Review: 'Partners in Crime' hindi lang tawa at kilig ang hatid; tambalang Vice-Ivana patok sa madlang pipol

HINDI naman kataka-taka kung bakit minahal ng madlang pipol ang pelikulang “Partners in Crime”.

Bukod kasi sa talaga namang inaabangan ng nakararami ang pagbabalik ng nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda, marami rin ang curious dahil for the first time ay babae ang tila ka-love team niya at ito ay walang iba kundi ang isa sa sexiest and prettiest Pinay actress ngayong henerasyon na si Ivana Alawi.

Take note pa na ang pelikula ay mula sa direksyon ng napakahusay na direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Pagpasok pa lang namin ng sinehan kasama ang aking mga kaibigan, dama mo na agad na halo talaga ang audience ng pelikula, may mga pamilya kasama ang mga anak, may mga mag-dyowa, may mga magbabarkada, at mayroon ring mga lolo at lola at puno rin talaga ang buong sinehan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Una pa lang ay tawa na nang tawa ang madlang pipol sa kalokohan ni Vice isama mo pa ang kulit ng kanyang dalawang assistant na sina MC at Lassy, perfect humor na talagang patok sa mga Pinoy.

Ngunit sa pagpasok ni Ivana sa eksena ay talagang napa-“sana all” at napa-“wow” ang marami dahil talagang kabigha-bighani talaga ang entrance ng dalaga.

Sa totoo lang, curious ako kung ano ang kalalabasan ng pelikulang pinaghalo ang isang Vice Ganda, Ivana Alawi, at Cathy Garcia-Molina at hindi naman ako nabigo.

Given na ang pagiging natural ni Vice sa pagpapatawa at talaga namang kitang-kita ang pagiging sexy at maganda ni Ivana sa pelikula pero ang talagang nagpa-wow sa akin ay ang perfect blending ng tatlo, ang magandang direksyon ni Direk Cathy at ang balanseng pagganap nina Ivana at Vice.

Umikot ang kwento sa hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Jack (Vice) at Barbara (Ivana) noon na nagtagal ng ilang taon hanggang sa muli silang nagtagpo dahil kinakailangan ng pansamantalang kapalit ni Jack sa kanyang TV show habang nagpapagaling. At para nga panatilihin ang kanyang TV show ay kumasa siya sa hamon na magkaroon ng exclusive interview sa pinakamayamang tao sa bansa na si Don Bill kung saan katunggali niya si Barbara.

Infairness, walang sapawan ng eksena, pakak na pakak parehas ang pagganap! Hindi pa rin kumukupas ang mga malulupit na punch line ni Vice Ganda at mapapanood rin ang pagiging natural na makulit ni Ivana pero parehong laban na laban ang dalawa pagdating sa drama.

Saludo rin ako kay Direk Cathy at sa buong produksyon ng pelikulang “Partners in Crime” dahil talagang napag-combine nila ang saktong timpla ng pagpapasaya sa madlang pipol habang nag-iiwan ng mensahe ng kahalagahan ng pagkakaibigan at ng pamilya, the Cathy Garcia-Molina way.

Medyo nabitin lang ako sa karakter ni Enchong pero maganda rin ang pagkakaganap nito sa pelikula.

Ipinakita rin ng “Partners in Crime” in a light way na kahit ano ang mangyari, kahit pa sa una’y hindi kayo nagkaintindihan, kung mahalaga ang isang tao sa ‘yo, pipiliin mo pa rin itong mahalin at patawarin. Na sa huli’y, pag-ibig, pamilya, at pagkakaibigan pa rin ang mananaig at hindi ang personal na interes.

Kaya naman kung ang hanap mo ay pampa-good vibes lang lalo na sa pagsisimula ng taong 2023, swak ang “Partners in Crime” sa iyo.

Panoorin rin ang pito pang MMFF entries nashowing hanggang January 7, 2023.

Support local movies, mga Ka-Bandera!

Related Chika:
Vice Ganda nakaramdam ng pressure habang ginagawa ang pelikulang ‘Partners in Crime’

Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda sa mga dating nakasama sa ‘Showtime’: Bago tayo nagalit sa isa’t-isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo

Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending