Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero... Bandera

Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero…

Ervin Santiago |January 01,2023
share this

Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero…

Ervin Santiago - January 01, 2023 - 08:38 AM
Vice Ganda gustung-gusto nang magka-baby: Ngayon kaya ko nang protektahan ang anak ko, pero...

Ion Perez at Vice Ganda

KUNG siya lang daw ang masusunod, gusto na rin ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda na magkaroon ng anak.

Ayon sa TV host-comedian, feeling niya ay ready na naman siyang magka-baby pero alam niyang hindi rin ganu’n kadali ang nais niyang mangyari.

Sa isang panayam, natanong nga ang Kapamilya star kung handa na ba siyang magkaroon ng sariling baby. Gusto raw niya kung sa gusto pero hindi pa raw niya maharap ito dahil sa dami ng kanyang trabaho.

“Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Pero gustung-gusto ko na,” ang pahayag ni Vice Ganda.

Siyempre, hindi lang naman siya ang magdedesisyon hinggil sa usaping ito dahil kailangan din niyang isaalang-alang ang magiging saloobin ng partner niyang si Ion Perez.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa dyowa.

“Pero now kaya ko nang protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa,” pahayag pa ng komedyante.

Sa katunayan, may mga pagkakataon pa nga na hindi niya nasusunod ang kanyang schedule dahil sa dami ng kanyang commitments, idagdag pa nga riyan ang mga pinatatakbo niyang negosyo.

Aside from his regular work bilang main host ng “It’s Showtime”, meron pa siyang “Everybody, Sing!” at patuloy pa rin ang paggawa niya ng mga content para sa kanyang YouTube channel.

“Nagpunta ako ng America noong tour. Inayos ko na yung schedule kung kanino pupunta. Nakapagpa-schedule kami pero hindi ko napuntahan.

“I still don’t have the luxury of time to do other things that I want to do.  Kahit meron time naagaw pa rin talaga,” sabi pa ni Vice Ganda.

Bea gusto nang magka-baby: Baka may donor na lang para kahit wala nang lalaki…

Jessy siniguro kay Luis na matutupad na ang wish nitong magka-baby: Soon!

Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending