Jessy siniguro kay Luis na matutupad na ang wish nitong magka-baby: Soon! | Bandera

Jessy siniguro kay Luis na matutupad na ang wish nitong magka-baby: Soon!

Ervin Santiago |March 26,2021
facebook
share this

Jessy siniguro kay Luis na matutupad na ang wish nitong magka-baby: Soon!

Ervin Santiago - March 26, 2021 - 01:06 PM

SINIGURO ni Jessy Mendiola na malapit nang matupad ang wish ng kanyang fiancé na si Luis Manzano — ang magkaroon na ng mga baby.

Napag-usapan ng engaged couple ang tungkol sa anak sa latest vlog ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Aminado naman kasi ang TV host-actor na sa kanilang dalawa ni Jessy ay siya talaga ang gustung-gusto nang magkaanak dahil nga mas matanda siya sa kanyang fiancée.

“Ako. Given naman ‘yun. Siyempre hindi na naman na ako bumabata,” sey ni Luis. Birong hirit pa niya sa kanyang edad, “Magti-twenty five na ako next year!”

Sagot naman ni Jessy, “25? Mas matanda pa ako sa’yo? Next month magpo-40 na siya.”

Hirit ni Luis, “Screen age ko lang ‘yun. Kasi ready na ako for mature roles.” Na sinagot naman ni Jessy ng, “Meron bang nag-i-screen age ng mas matanda nang malala?”

“Kasi bata pa nga lang ako, gusto ko na mature roles. Nilagay lang ako sa hosting. Pero ang gusto ko talaga is medyo sexy movies. So nagpa-angat ako ng screen age. Tapos hindi ko na napalitan sa media,” patuloy na pagbibiro ng Kapamilya TV host.

Nagseryoso naman si Jessy sa sumunod na tanong niya kay Luis, “Pero bakit? ‘Yun nga kasi hindi ka na bumabata?”

“Kasi lahat ng tropa ko may mga pamilya na halos. Kumbaga sa buong barkada ko, sabihin natin mga kinse kami, parang 12-13 (may pamilya na). Malalaki na nga mga anak actually,” paliwanag ni Luis.

Patuloy pa ng anak nina Vilma Santos at Edu Manzano, “Tapos ‘yung Daddy ko nu’ng pinanganak ako I think nasa 28 years old ata siya.

“Same age si Mommy at si Daddy. Marami kaming na-eenjoy ni Daddy together event at this point. So parang ‘yun din ang habol ko na parang ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” dugtong pa ni Luis.

Sabi naman sa kanya ni Jessy, “Pero in fairness naman din naman to you kid at heart ka. ‘Di naman immature. Pero kumabaga child-like minsan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, siniguro nga ni Jessy kay Luis na huwag itong mag-alala dahil matutupad din ang kanyang hiling na magka-baby in the near future, “Soon naman na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending