Bakit nga ba nominado si Ivana sa pagka-best actress sa MMFF 2022, pero sina Liza, Nikki, Mylene at Agot naetsapwera? | Bandera

Bakit nga ba nominado si Ivana sa pagka-best actress sa MMFF 2022, pero sina Liza, Nikki, Mylene at Agot naetsapwera?

Reggee Bonoan - December 28, 2022 - 03:45 PM

Bakit nga ba nominado si Ivana sa pagka-best actress sa MMFF 2022, pero sina Liza, Nikki, Mylene at Agot naetsapwera?

Nikki Valdez, Liza Lorena at Ivana Malawi

TRULILI kaya na ipinasok lang ang pangalan ni Ivana Alawi bilang nominado sa pagka-best actress sa katatapos na Gabi ng Parangal ng 2022 Metro Manila Film Festival kagabi na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City?

Ayon sa aming reliable source ay wala sa line-up ang pangalan ng co-star ni Vice Ganda sa pelikulang “Partners in Crime” ng Star Cinema Productions na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Kuwento ng aming nakausap, “Nagulat ka ba na kasama ang pangalan ni Ivana sa nominees?  Tapos ‘yung female cast ng Family Matters waley?”

“Oo, nagulat kami,” ang diretso naming sagot sa aming source.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Saka niya ikinuwento ang nalalaman niya tungkol sa naganap na proseso sa pagpili ng mga magiging nominees para sa MMFF ngayong taon.

Sa pagkakaalam namin ang mga miyembro ng MMFF 2022 jurors ay sina Sta. Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, Raquel Villavicencio, Ino Manalo, FDCP Chairman Tirso Cruz, lll, Alex Cortez, Noah Tonga, Lucky Blanco, Atty. Victor Pablo Trinidad at ang Chairman na si Direk Laurice Guillen at co-Chairman na si dating Metropolitan Manila Development Authority manager Jojo Garcia na ngayon ay kongresista na ng San Mateo, Rizal.

Tinanong namin ang aming source kung sino nga ba ang tinutukoy niyang nagpasok sa pangalan ni Ivana para ma-nominate sa pagka-best actress pero hindi na niya kami sinagot.

Marami kasi talagang nagulat na dumalo sa Gabi ng Parangal nang banggitin ang name ni Ivana Alawi sa mga aktres na nominado sa pagka-best actress.

Samantalang ni isa raw sa mga aktres na kasama sa “Family Matters” ay hindi man lang na-nominate tulad nina Liza Lorena, Nikki Valdez, Mylene Dizon at Agot Isidro.

Anyway, si Nadine Lustre ng “Deleter” ang nagwaging Best Actress sa MMFF 2022 kung saan nakalaban din niya sina Toni Gonzaga ng “My Teacher” at Heaven Peralejo para sa “Nanahimik ang Gabi.”

Hiling ni Nikki Valdez, mabibiyayaan pa ng 1 anak

Rita naiyak sa nakuhang nominasyon sa Int’l Filmfest Manhattan; David, EA aamin kina Boobay at Tekla

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikki Valdez sinigurong hindi pa tapos ang laban kahit ‘talunan’ sa eleksyon: Papunta pa lang tayo sa exciting part…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending