Cristina Gonzales-Romualdez sasabak sa pageantry dahil kay Patricia Javier | Bandera

Cristina Gonzales-Romualdez sasabak sa pageantry dahil kay Patricia Javier

Armin P. Adina |December 26,2022
facebook
share this

Cristina Gonzales-Romualdez sasabak sa pageantry dahil kay Patricia Javier

Armin P. Adina - December 26, 2022 - 02:48 PM

Cristina Gonzales Romualdez sasabak sa pageantry dahil kay Patricia Javier

Kasama ni Cristina Gonzales-Romuladez (kanan) si Respect: Noble Queen of the Universe national director Patricia Javier/ARMIN P. ADINA

MALAYO na ang narating ni Cristina Gonzales-Romualdez mula sa pagiging isang anak ng artista, sa pagiging aktres at mang-awit, at maging isang lingkod-bayan. Ngunit bago matapos ang taong it, magdadagdag siya ng isang literal na korona sa ulo niya sa pagbitbit niya sa Visayas sa coronation program ng Respect: Noble Queen of the Universe sa Japan.

Ang kapwa niya artistang si Patricia Javier ang humikayat sa kaniyang sumabak sa isang larangang ni sa hinagap ay hindi niya napagtantong papasukin, ibinahagi sa Inquirer ng dating Tacloban City mayor at dating actress-singer sa pagpapakilala sa kaniya bilang isa sa mga kinatawan ng bansa na isinagawa sa Christmas party ng pageant organization sa Windmills and Rainforest sa Quezon City noong Dis. 18.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Patricia Javier (@patriciajavier1)

“I never experienced joining pageants before, talagang acting and singing and dancing, iyon talaga ang gusto ko. And Patricia, being Noble Queen 2019, who is also my friend, she was the one who really encouraged me. Actually last year pa. Sabi ko huwag muna kasi may pandemic pa,” ani Romuladez.

Kinoronahan bilang Noble Queen of the Universe si Javier sa unang pagtatanghal ng patimpalak noong 2019. Kalaunan, itinalaga siya ni Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. (NQULI) founder Eren Noche bilang national director para sa Pilipinas, at international director na rin ng buong patimpalak.

Sinabi ni Romualdez na nakita niya ang advocacy ng NQULI at nakitang tugma ito sa charity work niya sa Tacloban City, una bilang councilwoman, at kalaunan bilang alkalde. “It would be nice to join a group of women who have the same advocacy na ginagawa ko rin. So lalo akong gaganahan kasi may group kami. Lalo kang gaganahan kasi we’ll be doing it as a team. So doon ako na-convince,” ibinahagi niya.

Itatanghal ang coronation program ng Respect: Noble Queen of the Universe sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, sa Dis. 29. Sinala na ng organisasyon ang mga kalahok sa Top 8 na siyang sasabak sa huling yugto ng pagpili, at lahat sila makatatanggap ng international titles.

“Whatever crown I receive, gagawin ko siya as parang a way na i-continue ang advocacy na ginagawa ko noon,” pahayag ni Romualdez.

Sinabi nyang umaasa siyang mapalalawig pa ang advocacy work niya para sa mga babae at bata na gumugulong pa rin sa Tacloban City sa kasalukuyan. Tumulong siyang makapagpatayo ng isang shelter para sa mga inabusong babae at bata, at nagnanais na magawa rin ito sa iba pang mga lugar.

“Now with [NQULI], it will be better because we could take this beyond Tacloban,” ani Romualdez.

Related Chika:
Cristina Gonzales-Romualdez goodbye na sa Probinsyano, todo puri kay Coco: Masasabi kong magaling ka Direk!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Warning kay Pauleen: Guwardiyahan si Bossing laban kina Yaya Dub at Patricia!

Dennis nagpaka-fan boy kay Korean director Bong Joon-ho; Patricia napiling host ng ‘Dapat Alam Mo!’

Pagpanaw ni Danny Javier ipinagluluksa ng showbiz industry: ‘Panalangin ko sa habangbuhay, makapiling ka, makasama ka, yan ang panalangin ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending