Cristina Gonzales goodbye na sa Probinsyano, todo puri kay Coco: Masasabi kong magaling ka Direk!
Cristina Gonzales at Coco Matin
MUKHANG nagtagumpay si Enrique Vera, karakter ni Simon Ibarra na iligpit ang buong pamilya ni Fernando Mante (Christian Vasquez) dahil nagpaalam na ang asawa nitong si Amalia Mante na ginagampanan ni Cristina Gonzales.
Ang binabanggit namin ay ang aksyon seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na mag-aanim na taon na ngayong darating na Setyembre o papunta na sa kanilang 9th season.
Idinaan ni Cristina sa kanyang Instagram account nitong Linggo ang pasasalamat niya sa produksyon at sa lahat ng artistang nakatrabaho niya sa serye.
Mahigit tatlong buwan ding napanood si Cristina sa serye ni Coco Martin at ipinagpapasalamat na niya nang husto ang oportunidad na ibinigay sa kanya ng aktor at ng ABS-CBN.
Ipinost ni Cristina ang larawan nila ni Coco at ng iba pang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at isinulat ang caption na, “Thank you direk @cocomartin_ph for the privilege and honor to work with you and the whole team of FPJsAng Probinsyano.
“I really enjoyed myself with you and the whole FPJAP family. Masasabi ko na talagang magaling ka direk!
“Thank you @dreamscapeph @deo_endrinal @abscbn it truly felt like family. Sa loob ng ilang buwan na taping bubble parang marami akong natutunan at mami-miss ko kayong lahat.
“At sa lahat ng bumubuo ng produksyon at MGA co-actors, All the good fun and memories, food, jokes, workout etc. And so much more!
“At sa MGA manunuod Salamat at patuloy ang supporta nyo sa FPJsAngProbinsyano sa MGA exiting at bago na MGA kwento at characters sa Susunod na mga araw.”
Pinasalamatan din siya ni Jay Gonzaga na gumaganap sa serye bilang si James, “It’s an honor to work with you too, Ms Kring! Until our next po! Stay safe always and see you sooonnn. @cristinagonzalezromualdez.”
Sagot naman ng aktres, “@jay_gonzaga. love you (emoji heart) stay safe.”
Si Aya Fernandez bilang si Doc Audrey Mante ay may mensahe rin sa aktres, “Love you so much Tita Kring!!!!!!!! Hugs.”
Say naman ni Cristina, “@ayafernandez_ love you my dear daughter (emoji heart) stay safe always abs more blessings to you.”
Hmmm, hindi naman namin nabasa ang pangalan ni Jane de Leon as Capt. Lia Mantes sa thread ng IG post ni Cristina. Baka hindi pa niya nakita ang post na ito ng kanyang nanay sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.