Angelica Yulo relate sa ninang na inokray dahil sa P200 na regalo

Angelica Yulo relate much sa ninang na inokray dahil sa P200 na regalo

Ervin Santiago - January 02, 2025 - 09:02 AM

Angelica Yulo relate much sa ninang na inokray dahil sa P200 na regalo

Angelica Yulo

NAG-REACT ang nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa viral post ng isang nanay na tumalak sa ninang ng kanyang anak.

Naloka ang mga netizens sa naging reply ng isang ginang sa ninang ng kanyang anak matapos magregalo ng P200 bilang Christmas gift sa pamamagitan ng Gcash.

Humingi naman ng pasensiya ang ninang sa kanyang kumare dahil iyon lang daw talaga ang nakayanan niya.

Pero sa halip na magpasalamat, tinalakan pa ng bonggang-bongga ng nanay ang kanyang kumare at sinabing sana raw ay ginawa na nitong P500 ang ipinadala niya.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin nakakatakot maging ninang sa kasal: Lahat ng inaanak ko nagkakahiwalay

“200 lang? Seryoso ka ba? Anong mabibili ng 200? Hindi ka na lang dapat nagbigay kung ganyan. Kulang pang pambili ng gatas at diaper ng inaanak mo.

“Dagdagan mo man lang sana ng 300 pa kung hindi ibabalik ko na lang yang 200 mo. Sa yo na! Merry Christmas na lang sa yo!” ang mataray na reply ng ginang sa kanyang kumare.


Ni-repost ni Angelica Yulo sa kanyang Facebook account ang palitan ng mensahe ng magkumare at nilagyan ng caption na, “SA akin Nga may pa wishlist e ahaha.

“Feeling yata ako si vicky morales Ng wish KO Lang. Be grateful, be appreciative Di nio ALAM Kung Pano namin pinaghahandaan ang mga ibibigay namin SA Mga anak ninyo.

“In our case po almost 300 ang Mga inaanak namin Kaya June pa Lang talaga nag uunti unti na ako. UNG effort namin ibang level talaga,” ang hugot pa ng nanay ng 2-time Olympic gold medalist na si Caloy.

Super agree naman ang mga FB followers ni Angelica sa naturang post at halos lahat ay nagalit sa viral na nanay. Narito ang ilan sa mga reaksyon na nabasa namin.

“Ako nga 50 lang ang binibigay ko kasi mahirap ang buhay ngaun dapat maging graeful kahit magkano ang ibigay ng mga ninang at lest nag effort,” sabi ni Pinang Ganda.

Sinagot siya ni Angelica ng, “Pinang Ganda Kami po gifts Kasi gusto namin ma enjoy Ng MGA bata ang PASKO at pag nakikita na masaya mukha nila pag nagbukas Ng gifts po ibang happiness po un. Kaya effort talaga.”

“Paki balik. Hahahaha. Prayers will be the best gift na lang. Ang regalo ay puso sa puso walang pilitan. Call me kuripot or whatever it will not change my wallet size.”

“Be thankful dapt ksi nbigyan sa hirap ngayun haist.”

“Magpasalamat khit magkanu..Ako nga khit ukay ukay or preloved na damit ibigay sa anak ko o sa akin sobrang nagpasalamat na ako.”

“Ay grabe. Anak ko kahit Piso walang natanggap sa mga ninong at ninang pero di Ako nag demand. kung Meron pasalamat kung Wala okay lang…di mo naman kasi alam kung may Pera ba Sila o Wala
.di lahat ng mga nakatanggap ng bonus at 13th month pay may natitirang Pera. Minsan nga kulang pa sa mga bayarin…iisipin mo pa Yung pang next month kasi Ang tagal na walang trabaho dahil sa holiday.”

“Grabe namn yan, Kasi dapat sa magulang nagmumulanyjng appreciation. magulang dapat nagtutura Nyan mula Ng bata pa sila KC kapag Ang nanay di Rin marunong mag appreciate Ng small thing at puro big expectation sa mga kumare Yun Ang maadipt Ng mga bata.”

“Relate me dito kasi 200 pesos lang din nabigay ko sa inaanak ko noon nachismis pa ako na galing ako japan eh 200 lang daw ang bigay ko ano magagawa ko un lang kaya ko ibigay kasi d lang naman isa ang mga inaanak ko sempre para pantay pantay ang bigay d naman ako mayaman at mapera di porke nag japan ako eh ubod na ako ng mapera bawat pera na ilalabas ko pinaghirapn ko yan dugo at pawis may mga magulang lang talaga na kukuha lang ng ninang para makapera sa mga ibbgay ng ninang at ninong ng bata. bulok na mindset na utak yan ang ninang ninong ay pangalawang magulang lang yan na pag wala na ang mga magulang sila ang aalalay at help sa bata sana mga magulang makuntento kayo at happy sa mga ibbgay ng mga ninang at ninong ng anak nio.”

“Di bali sana kung iilan 1-5lng inaanak mo pero s dami d nila alam pno mag budget sa sobrang dami na nila ung tag 300pero kung 36 sila 10800 ndin yan plus para pa sa anak at mga kamag anak mo pang handa mupa kaya wag mag ano ng malake lalo na kung friendly ang ninong at ninang mo dmi niya pag bbigyan dlang kayo hahahahah thankful malake o maliit dpat dhil pag pinagsama2x lahat e ang lake pera ndin nawala kulang pa 13th monthpay ni ninong ninyo hahaha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kya ako hindi po ako ngbibigay ng pera s mga inaanak ko damit at laruan po ung binibigay ko kc demanding po ung ibang nanay eh. Imbis n mgpasalamat lalaitin pa kung mgkno ung ibigay mo kc ung mga bata happy n cla pg my bgo clang damit ok.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending