Anak ni Patricia Javier waging Mister Teen International 2023 | Bandera

Anak ni Patricia Javier waging Mister Teen International 2023

Armin P. Adina - June 02, 2023 - 02:26 PM

Anak ni Patricia Javier waging Mister Teen International 2023

Iginagawad ni Patricia Javier (kaliwa) ang titulo bilang Mister Teen International sa anak niyang Robert Douglas Walcher IV./SCREENSHOT FROM MISTER/MISS TEEN INTERNATIONAL & MISTER/MISS PRE TEEN INTERNATIONAL FACEBOOK PAGE

NAGMANA kay Patricia Javier ang anak niyang si Robert Douglas Walcher IV, ngunit hindi sa larangan ng pag-aartista kundi sa mundo ng pageantry. Maaalalang kinoronahan ding Noble Queen of the Universe ang aktres noong 2019.

Hinirang ang 16-taong-gulang na mag-aaral bilang 2023 Mister Teen International sa pagtatapos ng patimpalak na itinanghal sa Bangkok, Thailand, noong Hunyo 1. Si Javier mismo ang nagputong ng korona sa panganay niyang anak kay Dr. Rob Walcher, isang chiropractor.

Tumanggap din ang batang Walcher, na kumatawan sa Maynila sa patimpalak, ng ilang special awards sa palatuntunan—ang Mister Charming, Best Smile, Mister Teen Sash Factor, at People’s Choice.

Unang itinalaga para sa 2023 Mister Teen International competition si 2022 Mister International Philippines fourth runner-up Andre Cue pagkatapos ng pambansang patimpalak. Kalaunan, hinirang siya bilang Caballero Universal Filipinas, kaya tumulak siya sa Venezuela para sa 2022 Caballero Universal contest kung saan siya nakapasok sa Top 10, at itinanghal na Best Body.

Noong isang buwan lang, ibinahagi ng Mister International Philippines organization na itinatalaga nito si Walcher bilang bagong kinatawan ng bansa sa Mister Teen International contest, tinanggap ang tungkulin na naunang iniatang kay Cue.

Baka Bet Mo: Pinay teen nilait-lait dahil sa kanyang first ‘luxury bag’: An 80$ bag may not be a luxury but for me and my family it is a lot

Kasalukuyan pang tumatakbo ang pambansang patimpalak, at kinakailangan nang makapagpadala ng kinatawan ng Pilipinas para sa 2023 Mister Teen International contest bago pa man magtapos ang 2023 Mister International Philippines pageant.

Apat na contest ang pinagsama-sama na sa kumpetisyon sa Bangkok. Maliban sa Mister Teen International, nagsagawa rin ang organisasyon ng pagpili para sa Miss Teen International, Mister Pre-teen International, at Miss Pre-teen International. Labing-apat na kalahok ang nagtagisan sa apat na kategorya.

Mga Pilipino ang nakasungkit sa mga titulo bilang Mister Teen International at Miss Teen International noong 2022, sa Bangkok din—sina Vaugn Justice Zabala mula Tacloban City, at Carissa Neuel Finn Pono mula Ormoc City.

Bago maging 2022 Miss Eco International si Kathleen Paton, nasungkit na niya ang korona bilang Miss Teen International noong 2017.

Related Chika:
Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Korona sa Miss Eco Teen inialay ng Miss World PH org sa mga Pinoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending