Isabelle De Los Santos ng Pinas 1st runner-up sa Miss Aura Int’l 2024
NAKAKA-proud ang latest achievement ng Pinay beauty queen na si Isabelle De Los Santos!
Siya kasi ang hinirang na first runner-up sa 2024 Miss Aura International na ginanap sa Turkiye ngayong Sabado, October 19, oras sa Pilipinas.
Kung maaalala, opisyal na natanggap ni Isabelle ang titulong The Miss Philippines-Aura noong Pebrero matapos i-anunsyo ng Empire Philippines ang international pageant assignment ng mga naging finalist ng unang edisyon ng The Miss Philippines Culture and Heritage Celebration, ang sister search ng Miss Universe Philippines pageant.
Naganap ang bagong local beauty pageant sa Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ang kinoronahan diyan na si Alethea Ambrosio ang itinalagang mag-compete sa 2024 Miss Supranational pageant.
Baka Bet Mo: Isabelle Daza gumanti kay Alex Gonzaga matapos tawaging ‘Marites’
Para sa mga hindi aware, si Isabelle ay isang model at aktres na dating tumampok sa comedy program na “Quizon CT” kasama ang magkakapatid na sina Eric, Epy at Vandolph, ang mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Samantala, ang top winner naman sa nabanggit na international pageant ay ang pambato ng Columbia na si Yuri Rey na tinalo ang 44 contenders mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang second runner-up sa kompetisyon ay si Gizam Celik mula sa nasabing host country, ang third runner-up ay si Yasmin Zaini from Malaysia, at ang fourth runner-up ay nakuha ni Makeeba Kaya Animpong ng Ghana.
Para sa kaalaman ng marami, isang korona pa lang ang nakukuha ng ating bansa sa Miss Aura International pageant.
‘Yan ay iniuwi ni Alexandra Faith Garcia noong 2021, ang same year na first time sumali ng Pilipinas sa nasabing beauty contest.
Bukod sa international placement ni Isabelle, ang apat pang finalists ng The Miss Philippines ay nag-uwi rin ng mga pagkilala mula sa global competitions this year.
Katulad ni Alethea na nakapasok sa Top 10 at itinanghal na reyna ng Asia and Oceania sa Miss Supranational pageant na nangyari sa Poland noong Hulyo.
Si Chantal Schmidt ang naging first runner-up sa Miss Eco International na ginanap sa Egypt noong Abril.
Habang si Blessa Figueroa ang naging third runner-up sa Miss Asia Pacific International contest na natapos lamang nitong buwan sa Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.