Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen | Bandera

Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen

Armin P. Adina - December 29, 2022 - 05:33 PM

Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen

Kasama ni Patricia Javier (nakatayo, kaliwa) si NQULI founder Eren Noche (nakatayo, kanan) at ang pageant mentor na si Rodgil Flores, habang nakaupo ang apat sa mga kandidata ngayong taon na sina (mula kaliwa) Sheralene Shirata, Cristina Gonzales-Romualdez, Leira Buan, at Marjorie Renner./ARMIN P. ADINA

KINORONAHANG Noble Queen of the Universe noong 2019 si Patricia Javier, at umaasa siyang maigagawad ang titulo sa isang reynang magpapatuloy sa adhikain ng organisasyon na isulong ang women empowerment at kumilos upang mapaganda ang buhay ng mga nangangailangan.

“Siyempre unang una iyong down to earth, cowboy, talagang kahit alam mong sosyal siya, mayaman siya, kaya niyang magkamay, iyong tipong marunong makisama,” sinabi ni Javier sa Inquirer sa Christmas party ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. (NQULI) sa Windmills and Rainforest sa Quezon City noong Dis. 18, na dinaluhan ng mga reyna ng organisasyon at ilang kawani ng midya.

“Pangalawa siyempre iyong may big heart. Kasi iyong Noble Queen kailangan talaga laging on the go sa pagtulong sa mga tao. Atsaka kung anuman ang past nila, that’s already in the past. Ang mahalaga iyong present, iyong paano nila dalhin ang sarili nila, paano nila tulungan ang kapwa nila,” pagpapatuloy pa ng actress-singer, na ngayon ay national director para sa Pilipinas at international director din ng NQULI.

Patricia Javier sinabing dapat isang ‘cowboy’ na may ‘good heart’ ang Noble Queen

Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. International Director at National Director for the Philippines Patricia Javier/ARMIN P. ADINA

Para sa edisyon ngayong taon, tinipon ng organisasyon ang walo sa pinakamahuhusay na kandidata para sa coronation program. Doon, lahat sila gagawaran ng mga titulong akma sa kani-kanilang mga adbokasiya at mga gawain.

Sinabi ni Javier na matutukoy ng organisasyon kung saang paraan higit na makatutulong ang isang kandidata batay sa kanilang mga naging trabaho at proyekto. “As we go along nakikita nila, kunwari, ikaw more on sa tourism ka talaga magiging magaling, nandoon na ang points na ikaw iyong [Noble Queen] Tourism,” ipinaliwanag niya.

Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagpasya ang NQULI na huwag nang magsagawa ng question-and-answer portion. Mayroong one-on-one interview kung saan malayang matatalakay ng mga kandidata ang kani-kanialng mga adhikain at proyekto, at kung paano nila balak gamitin ang korona upang mapalawig ang kanilang mga pagkilos.

“Kasi nga Noble Queen na tayo eh. Sa pageant, recognition na iyon ng mga nagawa mo before. Kasi meron tayong mga queens, ’di ba kapag nasa harap ka ma-mental block ka, kahit anong talino mo ma-mental block ka. Hindi natin sila pwedeng i-judge sa gano’n,” ani Javier.

Itatanghal ang coronation program ng Respect: Noble Queen of the Universe sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, ngayong Dis. 29, alas-2 ng hapon (alas-3 ng hapon sa Maynila). Kabilang sa mga kandidata ngayong taon si dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na kumakatawan sa Visayas.

Kinatawan ng Luzon si Sheralene Shirata, habang kinatawan ng Mindanao si Leira Buan. Kinakatawan naman ng Filipino-American na si Marjorie Renner ang Estados Unidos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending