Patricia Javier may bago na namang korona | Bandera

Patricia Javier may bago na namang korona

|January 10,2023
facebook
share this

Patricia Javier may bago na namang korona

- January 10, 2023 - 11:52 AM

Si Patricia Javier ang 2022 AquaQueen Ambassador of the Ocean.

Si Patricia Javier ang 2022 AquaQueen Ambassador of the Ocean./ARMIN P. ADINA

HINIRANG ang aktres nasi Patricia Javier bilang kauna-unahang Noble Queen of the Universe noong 2019. At ngayon, may isa na naman siyang koronang maidadagdag sa kaniyang koleksyon, ang AquaQueen Ambassador of the Ocean.

Tinanggap niya ang titulo mula sa kasalukuyang AquaQueen of the Universe at founder ng bagong patimpalak pangkaragatan na si Eren Noche, na siya ring nagtatag sa Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. (NQULI), sa isang maikling programa sa Windmills and Rainforest sa Quezon City noon Enero 6.

Si Javier ang kasalukuyang national director para sa Pilipinas at international director din ng NQULI. Sinabi ni Noche na pinili niya si Javier sapagkat kapwa sila “ocean advocates.”

Kinokoronahan ni AquaQueen of the Universe founder Eren Noche (kaliwa) si Patricia Javier bilang 2022 AquaQueen Ambassador of the Ocean

Kinokoronahan ni AquaQueen of the Universe founder Eren Noche (kaliwa) si Patricia Javier bilang 2022 AquaQueen Ambassador of the Ocean./ARMIN P. ADINA

 

Layunin ng AquaQueen of the Universe na maisulong ang pangangalaga ng karagatan. Hinayag din ni Noche na isasagawa ng patimpalak and kauna-unahang “underwater” coronation sa kasaysayan ng pageantry sa Pilipinas sa kaarawan niya sa Enero 20, at mangyayari ito sa Whitehouse by the Sea sa Panglao, Bohol.

Ayon kay Noche, may 15 kandidata mula sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas na nakiisa sa bagong patimpalak. Nakapili na umano ang organisasyon ng tatlong bagong reyna. Isa sa kanila si Marjorie Renner, na kasusungkit lang ng korona bilang Noble Queen of the Universe Ltd. sa Tokyo, Japan, nitong Disyembre.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Noche na hinihirang niya si Renner bilang 2023 AquaQueen Ambassador of the Ocean, na lumalabas na siyang tagapagmana ng titulong iginawad niya kay Javier. Samantala, sinabi rin ni Noche na magiging isa sa mga kandidata para sa 2024 ang anak na babae ni Renner.

Si reigning Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner din ang 2023 AquaQueen Ambassador of the Ocean.

Si reigning Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner din ang 2023 AquaQueen Ambassador of the Ocean./ARMIN P. ADINA

Si Renner ang may-ari ng Whitehouse by the Sea. Isa siyang dating Pilipinang modelo na nakatira na ngayon sa Estados Unidos.

Samakatuwid, may dalawa pang bagong reyna para sa 2023 na hihirangin sa Bohol at magtataglay ng mga titulong AquaQueen of the Universe at AquaQueen Pearl. Si Noche and kasalukuyang may taglay ng titulong AquaQueen of the Universe, at sa ilalim ng dagat niya kokoronahan ang magiging tagapagmana niya.

Sinabi ni Noche na “the future of the sea depends on you and me,” at umaasa siyang higit pang maisusulong ng mga magiging bagong reyna ng AquaQueen of the Universe na kinakailangan nang mapangalagaan ang karagatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending