Pari sa Cebu nagsayaw ng 'Ting Ting Tang Ting' sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay | Bandera

Pari sa Cebu nagsayaw ng ‘Ting Ting Tang Ting’ sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay

Therese Arceo - December 24, 2022 - 07:25 PM

Pari sa Cebu nagsayaw ng 'Ting Ting Tang Tang' sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay

USAP-USAPAN ngayon ang isang pari mula sa Cebu kasama ang mga sakristan na sumasayaw ng famous TikTok song na “Ting Ting Tang Ting”.

Ang naturang viral video ay kuha habang isinasagawa ang simbang gabi mula sa isang simbahan sa Danao City, Cebu.

Makikita nga ang pari sa mismong harap ng altar kasama ang ilang sakristan habang ang iba naman ay tila nakaposisyon sa iba’t m n m ibang parte ng simbahan base sa video clip na in-upload ng netizen na si Yeng Abinades noong Linggo, December 18.

Naghiyawan nga at nagtawanan ang mga nasa simbahan habang nakikitang gumigiling ang mga ito at talagang kinarir ang dance step ng famous TikTok song.

Ayon sa nag-upload ng video, ito raw ay paraan ng mga pari para makalikom ng pondo para sa simbahan.

“It was a form of fund raising through caroling to support Church’s projects and help church employees who are poor,” saad ni Yeng.

Pero ang naturang video ng sumasayaw na pari at mga sakristan ay umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens.

Si Yeng nga ay dismayado rin sa ginawa ng mga lingkod ng simbahan dahil ito raw ay lugar para mag-worship at dapat daw ay galangin ito.

Pinuna rin niya ang “non-liturgical music” na ipinatugtog ng pari at mga sakristan sa simbahan.

Pero sey naman ng isang netizen, masyado naman raw pinapalaki ang isyu dahil kung tutuusin ay para naman daw sa mga proyekto ng simbahan ang ginawa nila at hindi naman wala lang ang layunin ng kanilang pagsasayaw.

Related Chika:
Gwapong pari viral na, netizens napanganga: ‘OMG! Bakit Father, bakit?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pari nag-viral matapos maging parte ng kasal ng dating dyowa

Robi naging sakristan noong high school; paalala sa mga botante, wag nang magpabudol sa 2022

‘Kanto birthday party’ ni Donnalyn Bartolome binasag ng isang FB page: ‘Kelan pa naging b-day theme ang kahirapan?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending