KCC ikinasa ang bonggang ‘2024 Korea Festival’ sa Manila, Cebu
MAY bagong gimik ang Korean Cultural Center in the Philippines (KCC)!
Ito ang inaabangang “K-Culture Next Door:2024 Korea Festival” na ikakasa sa dalawang lokasyon –sa Pasay City at Cebu City.
Mauunang gaganapin ang bonggang event sa SM Mall of Asia Music Hall sa May 4 at 5, habang ang sumunod dito ay sa June 15 to 16 sa Mountain Wing Atrium and Skyhall ng SM Seaside City Cebu.
Ang Korea Festival ay parte ng pagdiriwang para sa ika-75th years of friendship sa pagitan ng Korea at Pilipinas.
Ayon sa KCC, ang temang “K-Culture Next Door” ay sumisimbolo sa “close connection” ng dalawang bansa.
Baka Bet Mo: KCC binuhay ang ancient Korean paintings, pasabog ang digital art exhibit
“Just like neighbors who are a ‘doorbell’ away, Korea and the Philippines influenced and supported each other through cultural exchange and interaction between people throughout the years,” saad sa pahayag ng non-profit institution.
Exciting ang mga inihandang sorpresa ng KCC para sa Pinoy fans!
Tulad na lamang sa first day ng Manila leg kung saan tiyak na magpapakilig ang top indie rock sensation ng Korea na Jannabi.
Bukod sa kanila, siyempre hindi mawawala ang tradisyonal na pagtatanghal ng ilan sa mga Pinoy performers.
Pwede ring magpakitang-gilas ang ilan pang Pinoy – solo man o grupo, sa pamamagitan ng “Mini K-pop Busking Concert.”
Kung kayo ay interesadong mapabilang sa busking event, ang application ay matatagpuan sa social media channels at website ng KCC.
Wait, there’s more! Bilang isa nga itong Korean festival, hindi mawawala ang cultural experiences mula sa Hangeul (alphabet), Hanbok (costume) at Jeontongnori (traditional games).
Take note lang din na ang nasabing festival ay FREE o libre! Kaya kitakits tayo doon mga ka-Bandera!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.