Pari nag-viral matapos maging parte ng kasal ng dating dyowa | Bandera

Pari nag-viral matapos maging parte ng kasal ng dating dyowa

Therese Arceo |December 15,2021
facebook
share this

Pari nag-viral matapos maging parte ng kasal ng dating dyowa

Therese Arceo - December 15, 2021 - 07:32 AM

Pari nag-viral matapos maging parte ng kasal ng dating dyowa

VIRAL ngayon ang isang pari mula sa Lipa, Batangas na si Fr. Roniel Sulit matapos niyang maging parte sa kasal ng kanyang ex-girlfriend.

Kuwento ni Fr. Roniel, kinakabahan siya dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kasal ng kanyang dating kasintahan na si Korina.

Nang makapunta siya sa mismong simbahan ay agad namang kinumusta ni Fr. Roniel ang dating kasintahan na kasalukuyang nasa loob ng kanyang bridal car.

“Anong meron kay Manuel na wala sa ako?” pabirong tanong ni Fr. Roniel kay Korina.

Natawa naman si Korina at sinabihang umayos si Fr. Roniel.

“Nandyan ‘yung mga kamag-anak niya. Baka hindi na ako patuluyin sa Bulacan… sinasabi ko sa’yo!” saad naman ni Korina.

Naging seryoso naman si Fr. at tuluyan nang tinanong ang bride kung ano ang nagustuhan nito sa kanyang fiancé at bakit niya ito papakasalan.

Kinakailangan kasi itong itanong ni Fr. Roniel dahil siya ang magbibigay ng homily sa kasal nina Korina at ni Manuel.

Bakas sa paraan ng pagtrato nila sa isa’t isa na nanatili silang malapit na magkaibigan kahit pa mayroon silang naging nakaraan.

Wala kasing awkwardness sa pagitan ng dalawa at parang tipikal na mag-tropa lang talaga na nagtatawanan at nagbibiruan.

Nang magsimula na ang homily ay bakas ang kaba ni Fr. Roniel sa altar ng simbahan.

Dito ay nagsimula nang mag-kwento ang pari tungkol sa pag-iibigan nina Korina at Manuel.

“Nang sila’y ma-engage ni Manuel ay nagpadala sa akin ng picture si Korina, ng singsing at ang kanyang sabi, ‘Father may content ka na sa vlog mo!’

“Kasi po bina-vlog ko po itong kasal ni Korina. Bakit? ‘Yun ang tanong natin. Bakit kinakabahan si Korina at bakit ako’y kinakabahan rin.

“Ang dami ko na hong naikasal. Ito ang pinaka ako’y nanginginig. Tignan nyo, ako’y pawis na pawis na. Bakit niya ho sinabi sa akin na i-content ko ‘yung kanyang kasal? Kasi po si Korina ay aking ex [girlfriend],” kuwento nni Fr. Roniel na ikinagulat ng ilang bisita ni Korina.

Biro pa ng pari, kaya raw natagalan si Fr. Johnsen na magkakasal kina Korina at Manuel ay dahil kasabwat niya ito para hindi matuloy ang kasal.

Na-late kasi si Fr. Johnssen sa kasal na siyang bestfriend naman ni Fr. Roniel.

“Gayunpaman, the past is past. Hindi ba, Korina? ‘Yun ho ay matagal na. May kanya kanya na kaming buhay. Ako po ay pari na at ngayong araw na ito ay si Korina ay ikakasal na,” pagpapatuloy ni Fr. Roniel.

Sa huli ay kita naman na masayang masaya si Korina sa bagong yugto ng buhay kasama ang asawang si Manuel.

Kita rin sa mga mata at ngiti ni Fr. Roniel ang kasiyahan para sa dating minamahal.

“Iba-iba tayo ng bokasyon, mayroong pagtawag para sa pagpapari. ‘Yung iba ay tinatawag sa pag-aasawa. Kanya-kanya yan ng pagtawag mula sa Panginoon.

“Ako ay masaya bilang pari at alam kong si Korina ay masaya sa kanyang tatahaking buhay may asawa. Wala itong bitter feelings. Lahat ay masaya. Kami ay magkaibigan at pwede pa rin namang magdamay kahit may kanya-kanya nang buhay,” sey ni Fr. Roniel.

 

 

Related Chika:
Gwapong pari viral na, netizens napanganga: ‘OMG! Bakit Father, bakit?’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending