Pari napaghinalaang may dalang patay sa sasakyan, pulis na-wow mali
SUPER aliw ang kwento ng isang pari na si Fr. Jonel Peroy mula sa Diocese of Kidapawan na hinarang sa isang checkpoint ng mga kapulisan nitong Martes, March 21.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Father Jonel ang kanyang naging karanasan habang pauwi na sa kanyang bahay dahil sa karga niyang tila bulto ng tao na naka-plastic at bubble wrap.
Inakala ng mga pulis na isa itong salvage victim ang nasa passenger seat ng pari kaya agad pinahinto ang kanyang sasakyan at agad siyang pinababa upang inspeksyunin ang karga niya.
Labis na kaba naman ang naramdaman niya at pinagpawisan sa nerbiyos habang nag-e-explain sa mga pulis na isang plaster scuplture ang laman ng kanyang sasakyan.
Aminado naman si Fr. Jonel na mukha ngang patay na taong nakabalot ng plastic ang sakay sakay niya nang makababa ng sasakyan.
“They asked me to [alight] to take a close look at what I had inside my car. They really suspected that something [was off] because of how my cargo [appeared]. It really looked like a dead man, wrapped in plastic. Of course, it was the dead Christ. I was really perspiring,” lahad ng pari.
Ngunit sey ng isang pulis ay kailangan daw muna nilang makita kung ano ba talaga ang laman ng plastic.
“I unwrapped the Santo Entierro and told them that I’m a priest so that they would stop asking so many questions,” pagpapatuloy ni Fr. Jonel.
Baka Bet Mo: Pari sa Cebu nagsayaw ng ‘Ting Ting Tang Ting’ sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay
Natawa naman a g mga pulis nang makita kung ano talaga ang laman ng sasakyan at nasigurong hindi talaga ito bangkay. Agad ring nag-sorry ang mga ito sa pari.
“We’re really sorry, Father, we thought you just salvaged a man,” saad ng isa sa mga pulis.
Biro naman ni Fr. Jonel, “Sir, just to tell you, I did not salvage Christ.”
Tuwing Holy Week ay idini-display ng mga Simbahang Katolika ang imahe ng Santo Entierro matapos ang Seven Last Words pagdating ng alas tres ng hapon ng Good Friday, noong oras na namatay si Hesus sa krus.
Sa kabila naman ng naranasan ay pinuri ng pari ang mga kapulisan dahil talagang ginagawa ng mga ito ang kanilang mga trabaho kahit na na-stress siya nang very light sa nangyari.
Nabahala rin daw siya sa isang bagay na hindi niya matanggap.
“Do I look like a criminal?” tanong ni Fr. Jonel.
Ngayong taon, magsisimula ang Mahal Na Araw mula April 3 hanggang April 9.
Related Chika:
Pari sa viral ‘Ting Ting Tang Tang’ dance challenge walang nilabag na batas ng simbahan, hindi parurusahan
Gwapong pari viral na, netizens napanganga: ‘OMG! Bakit Father, bakit?’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.