Gwapong pari viral na, netizens napanganga: 'OMG! Bakit Father, bakit?' | Bandera

Gwapong pari viral na, netizens napanganga: ‘OMG! Bakit Father, bakit?’

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 08:55 AM

Fr. Ferdinand Santos

IN FAIRNESS, naging instant “matinee idol” ang isang pari matapos mag-viral sa social media  ang kanyang mga litrato.

“OMG! Ang gwapo naman ni Father!” ang nagkakaisang komento ng mga netizens nang makita ang mga picture ng guwapo at artistahing Filipino priest na si Rev. Fr. Ferdinand Santos.

Talagang umusok ang socmed sa napakaraming comments, likes at shares nang bumandera ang kagwapuhan at kakisigan ng Pinoy priest sa FB at Twitter.

Base sa isang Facebook post, ang viral na pari na si Fr. Ferdi ay isang Philosophy and Theology seminary professor na isa ring licensed fitness instructor.

Mabilis na kumalat sa socmed ang kanyang mga litrato at marami nga sa mga netizens ang nagkomento ng, “Bakit Father? Bakit? Sayang naman ang lahi ni Father. Sayang. Sana nag-artista na lang siya.”

Pero sabi naman ng iba ay hindi nakapanghihinayang na mas pinili ni Fr. Ferdi ang pagiging pari, “Hindi sayang na mas pinili niya ang magsilbi sa Diyos at paglingkuran ang kanyang kapwa.”

May nagsabi naman na araw-araw siyang magsisimba at mangungumpisal kapag na-assign sa parokya nila si Fr. Ferdi at sigurado siyang palaging puno ang simbahan nila kahit walang misa.

Sa isang Facebook post naman ni Rev. Fr. Ranhilio Aquino ng San Beda University Graduate School of Law, talagang iniwan ng gwapong pari ang pagiging rector ng isang seminaryo sa Amerika para bumalik ng Pilipinas at magsilbi sa mahihirap na parishioners.

“This is Fr-Ferdinand Santos. I am posting this because I am in awe of him. We met while he was student at the Catholic University of Louvain and I was a post-doctoral research fellow there.

“He and I were in the classes of Prof. Jan van der Veken on Process Metaphysics. Aside from holding a PhD in philosophy, he is a licensed fitness instructor! Amazing.

“But even more amazing is that he gave up the prestigious position of Rector of St. John Vianney Seminary in Florida that has both philosophy and faculty theologies to return to the Phiippines to work in depressed parishes. Laus Deo!” sabi pa ni Fr. Aquino.

UPDATE: Pagkatapos mag-viral ang mga litrato ni Fr. Ferdi Santos ay may nag-post naman sa Facebook na isang Carlos Babiano at nagbigay-linaw tungkol sa nasabing pari.

Ibinahagi niya ang isang litrato ni Fr. Ferdi na aniya’y tunay na itsura ng Pinoy priest at nilagyan ng mensaheng, “The priest in this screenshot of the website of the Archdiocese of Miami is Rev. Fr. Ferdinand S. Santos, a faculty member of St. John Vianney College Seminary in Miami, Florida, U.S.A. He is an alumnus of Lourdes School of Mandaluyong, San Carlos Seminary, and the Katholieke Universiteit Leuven.

“THIS IS FR. FERDIE’S AUTHENTIC APPEARANCE.

“Recently there is a hype on social media about a ‘handsome-looking young priest’ or ‘celebrity-looking priest’ bearing the said name going viral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“However, his younger brother, Jeremiah, told me that those pictures circulating over social media were edited to make Fr. Ferdie’s face look young.

“Now, they are trying to track the source of those edited images,” aniya pa gamit ang mga hashtag na
#Verify, #Facts, #Truth, #UseSocialMediaWisely.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending