Pangako ni Camille sa ina ni Jovit: Anumang pagsubok ang hinaharap natin, sama-sama po natin itong malalampasan | Bandera

Pangako ni Camille sa ina ni Jovit: Anumang pagsubok ang hinaharap natin, sama-sama po natin itong malalampasan

Therese Arceo |December 22,2022
facebook
share this

Pangako ni Camille sa ina ni Jovit: Anumang pagsubok ang hinaharap natin, sama-sama po natin itong malalampasan

Therese Arceo - December 22, 2022 - 01:13 PM

Pangako ni Camille sa ina ni Jovit: Anumang pagsubok ang hinaharap natin, sama-sama po natin itong malalampasan

NAGING emosyonal ang fiancé ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel habamg binabati ang ina ng singer na nagdiriwang ng kaarawan ngayon.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang larawan ni Mrs. Cristeta Baldivino kalakip ang kanyang mensahe para dito.

“Mama Maligayang Kaarawan po ano man pong pagsubok ang hinaharap naten ngaun ay samasama po naten itong malalampasan hindi po ganun kadali pero kasama nyo po ako unti unting makayanan ano man po itong matinding pagsubok na to,” saad ni Camille.

Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang mga ito matapos pumanaw si Jovit noong December 9 matapos ang ilang araw nitong pagkakaratay sa ospital.

Pagpapatuloy pa ni Camille, “Lagi nyo po pakaingatan kalusugan nyo alam ko po mama na sobrang nahihirapan din po kayo dhil kada mag chat po kayo sa akin at hahanapin si BUNDOY ay sesendan ko lang po kayo ng pic nya at maiibsan napo pagkamiss nyo sa kanya.”

Humingi rin ito ng patawad sa ina ng namayapang kasintahan dahil mga “lumang alaala” na lamang ang mase-send niya rito sa tuwing magme-message ang ginang sa kanya.

“Mama isipin nyo lang po andito lng si BUNDOY sa bahay para di po kayo malungkot masyado. Ako po iniisip ko lang na matuloy sya sa ibang bansa kahit na po alam naman naten kung nasan talaga [siya],” sabi pa ni Camille.

Aniya, mahirap man raw labanan ang katotohanang wala na sa kanilang piling ang “Pilipinas Got Talent” grand champion ay kinakailangan nila itong gawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jovitbaldivino (@jovitbaldivino)

“Mahal na mahal ko po kayo Mama. Laban lang po,” dagdag pa ni Camille.

Matatandang noong December 9 nang pumanaw si Jovit matapos ang limang araw na pagiging comatose nito sa isang ospital sa Batangas.

Ayon sa statement na inilabas nina Camille at ng mga magulang nito, “he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines” nang maimbitahan ito ng kaibigan sa isang birthday party kung saan hindi niya natanggihan ang pakiusap na kumanta kahit pinagbawalan na siya ng doktor.

Nakitaan rin siya ng blood clot  sa utak na isang senyales ng aneurysm.

Related Chika:
Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute

Camille Ann Miguel hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na si Jovit: Hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending