Camille Ann Miguel hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na si Jovit: Hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na | Bandera

Camille Ann Miguel hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na si Jovit: Hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na

Therese Arceo |December 17,2022
facebook
share this

Camille Ann Miguel hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na si Jovit: Hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na

Therese Arceo - December 17, 2022 - 07:26 PM

Camille Ann Miguel hindi pa rin makapaniwalang pumanaw na si Jovit: Hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in kay Camille Ann Miguel na namayapa na ang kanyang fiancè na si Jovit Baldivino.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha sa puntod ng yumaong singer.

“9 days ka nang wala sa piling ko, Love. “Pero hanggang ngayon hirap pa rin akong paniwalaang wala ka na, ni hindi pa rin pumasok sa isip ko na wala ka na,” saad ni Camille.

Aniya, naiisip na lang raw niya lagi na nasa work lang si Jovit ngunit ang masakit na katotohanan ay hindi na ito muling uuwi sa kaniyang piling kailanman.

“Miss na miss na po kita, Asawa Ko, Love ko. Mahal na mahal po kita,” saad pa ni Camille.

Matatandaang nitong Biyernes, December 9 nang tuluyan nang mamaalam si Jovit matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa isang ospital sa Batangas.

Pero bago ito ay pinalagan pa nga noon ni Camille ang mga diumano’y kumakalat raw na fake news patungkol sa tunay na lagay ng singer at sinabing ang lubos nilang kailangan ay ang dasal para sa agarang paggaling ni Jovit at hindi pagkalat ng maling impormasyon.

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang pamilya ng “Pilipinas Got Talent” grand champion ukol sa tunay na nangyari.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jovitbaldivino (@jovitbaldivino)

 

“According to Jovit Baldivino’s parents Mr.Hilario “Larry” and Mrs.Cristeta Baldivino and fiancé Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022) he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines.

“Then he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor’s advice not to sing while recuperating. Knowing “Bundoy” (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Faithfully by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song.

“After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Nazareth of Jesus Hospital last December 3, 2022 around 10pm.

“CT scan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days.

“Our dearest Jovit Baldivino joined our Creator 4:00 AM today December 9, 2022. He was 29.”

Noong Miyerkules, Disyembre 14 nang tuluyan nang ihatid ang mang-aawit sa kanyang huling hantungan sa Paradise View Memorial Garden sa Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jovit binigyan ng ‘lucky charm’ si Marcelito: Nu’ng malaman kong wala na siya, umiyak lang po ako nang umiyak

Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending