Jovit binigyan ng 'lucky charm' si Marcelito: Nu'ng malaman kong wala na siya, umiyak lang po ako nang umiyak | Bandera

Jovit binigyan ng ‘lucky charm’ si Marcelito: Nu’ng malaman kong wala na siya, umiyak lang po ako nang umiyak

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:35 AM

Jovit binigyan ng 'lucky charm' si Marcelito: Nu'ng malaman kong wala na siya, umiyak lang po ako nang umiyak

Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy

MAY “lucky charm” pala na ibinigay ang pumanaw na OPM artist na si Jovit Baldivino sa kanyang kaibigan at kapwa singer na si Marcelito Pomoy.

Inalala ng “Pilipinas Got Talent” season 2 grand winner ang mga hindi niya malilimutang bonding moments nila ni Jovit noong nabubuhay pa ito.

Aniya, totoong napakabait, maalalahanin at mapagmahal sa pamilya ang kauna-unahang “PGT” winner bukod pa sa totoo at maaasahang kaibigan.

Hanggang ngayon ay shookt pa rin si Marcelito sa biglaang pagpanaw ng malapit na kaibigan nito lamang nagdaang Biyernes, December 9.

Kuwento ng singer, nito lang nagdaang Nobyembre nang huli silang magkausap ni Jovit tungkol sa pag-aayos nito ng mga dokumento para sa gagawin nilang US tour.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marcelito Pomoy (@marcelitopomoy8)


Pero aniya, never sinabi sa kanya ni Jovit na nagkasakit at naospital na pala ito. Pero nu’ng malaman daw niya na naka-confine ito sa ospital kamakailan lamang ay agad niya itong dinalaw.

Nalaman daw niya na pumanaw na ang kaibigan noong nasa Indonesia siya nang tawagan siya ng fiancé ni Jovit na si Camille Ann Miguel.

“Bago ako umalis ay pumunta po ako sa ICU, kasi may nagbalita sa akin na nasa ICU nga raw po siya. So hindi po ako nag-atubili na pumunta agad before pumunta ako ng Indonesia.

“Nu’ng pumasok ako sa emergency room, hinawakan ko ang kanyang kamay sabi ko, ‘Pre, lumaban ka, hanggang kaya ay lumaban ka. May mga event pa tayo.’

“Mga 3:33 sa Indonesia biglang tumawag ‘yung asawa niya. Hindi na ako nakaimik at umiyak na lang po ako nang umiyak. Ang sakit na mawalan ng kaibigan na kagaya ni Jovit kasi sobrang lapit sa akin ng bata na ‘yan,” pahayag ni Marcelito sa panayam ng “Sakto.”

Sa tanong kung ano ang mami-miss niya kay Jovit, “Ang hindi ko makakalimutan sa kanya ay napakabait niyang tao. Mapagmahal, maalalahanin sa pamilya, sobrang mapagmahal ‘yung bata na ‘yan para sa akin. Kasi marami ring natulungan ang bata na ‘yan, maraming napasaya.”

“Kasi every time na magkasama kami sa event lagi kaming magkausap.

“Lagi kaming magkadamayan sa lahat ng mga problema kapag nasa event kami, kung ano ang dapat gawin namin. At saka best man ko po siya sa kasal naming mag-asawa,” kuwento pa ni Marcelito.

Hindi rin makakalimutan ni Marcelito ang ibinigay na lucky charm sa kanya ni Jovit na isang kuwintas.

“Actually lucky charm ko po ‘yon kasi nu’ng lumaban ako sa ‘Pilipinas Got Talent’ season 2, semi-final pa lang ay nandoon na po siya. Tapos ibinigay niya sa akin ‘yung kuwintas, pinasuot niya sa akin.

“Ang hindi ko makakalimutang sinabi niya sa akin ay, ‘suutin mo ito bro, basta hanggang sa dulo nandito ako para sumuporta sa iyo,'” pagbabahagi pa niya.

Kasunod nito, nagpasalamat din si Marcelito sa lahat ng fans and supporters ni Jovit, “Sa lahat ng sumusuporta sa aking kaibigan na si Jovit Baldivino, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. At sana po ay hanggang sa dulo ay tangkilikin po natin ang awiting Pinoy, OPM songs.”

Marcelito Pomoy emosyonal sa pagdalaw sa burol ni Jovit Baldivino: ‘Sobrang sakit, Parekoy!’

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending