Marcelito Pomoy emosyonal sa pagdalaw sa burol ni Jovit Baldivino: 'Sobrang sakit, Parekoy!' | Bandera

Marcelito Pomoy emosyonal sa pagdalaw sa burol ni Jovit Baldivino: ‘Sobrang sakit, Parekoy!’

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 12:18 AM

Marcelito Pomoy emosyonal sa pagdalaw sa burol ni Jovit Baldivino: 'Sobrang sakit, Parekoy!'

Marcelito Pomoy dumalaw sa burol ng kaibigang si Jovit Baldivino

HINDI napigilan ng OPM artist na si Marcelito Pomoy ang maging emosyonal nang dumalaw sa burol ng kanyang kaibigan na si Jovit Baldivino.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng singer ang ilan niyang litrato na kuha sa lamay ni Jovit, isa na nga rito ang photo kung saan nakatitig lang siya sa nakahimlay na kaibigan.

“Sobrang sakit Parekoy!” ang caption na isinulat ni Marcelito sa kanyang FB post kalakip ang napakaraming crying face emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marcelito Pomoy (@marcelitopomoy8)


Isa si Marcelito sa mga celebrities na unang nag-post sa social media para kumpirmahin ang malungkot na balita kasabay ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya ni Jovit.

Si Jovit ang kauna-unahang grand winner sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN habang si Marcelito naman ang nagwagi sa second season ng nasabing reality talent search.

Samantala, ibinahagi naman ng partner ni Jovit na si Camille Ann Miguel sa Facebook ang ilang detalye sa libing ng singer kasabay ng pagbabahagi niya ng kanyang saloobin sa pagpanaw ng kanyang boyfriend.

“Ang daming what ifs na pumapasok sa isip ko. Love ko, miss na miss na kita,” ani Camille.

Nakatakda ang interment at libing ni Jovit sa December 14. Pumanaw siya nitong nagdaang December 9 sa edad na 29 matapos ma-comatose ng limang araw. Aneurysm ang sinasabing dahilan ng kanyang biglaang pagkamatay.

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

YouTube channel ni Marcelito Pomoy na-hack: Shame on those people doing this!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol tumulong sa mga senior citizens at mga persons with special needs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending