Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news
PUMALAG ang asawa ng mang-aawit at “Pilipinas Got Talent” grand winner na si Jovit Baldivino sa mga kumakalat na balita patungkol sa nangyari sa kanyang mister.
May balita kasing kumakalat na diumano’y nag-collapse raw ang kanyang asawa sa isang party na wala namang katotohanan.
Nitong Martes ng madaling araw, December 6 ay naglabas na nga ng saloobin si Camille Ann Miguel, asawa ni Jovit patungkol sa maling impormasyon na kumakalat sa social media.
“Sa lahat po ng nagpo-post sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at di kayo nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission,” naiinis na saad ni Camille.
View this post on Instagram
(Jovit IG)
Dagdag pa niya, “‘Wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!! makapag post lng kau…prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!”
Pero kinumpirma niya sa pep.ph na talagang naka-confine ngayon sa ospital si Jovit.
“He’s in the hospital right now, [we’re] asking for prayers, not fake news. Wala naman po akong ibang hiling kundi prayers para sa asawa. Nakakasama lang po ng loob na pinalalala ng fake news ang sitwasyon niya,” paglalahad ni Camille.
Nang bisitahin namin ang Facebook account ni Camille ay isang Facebook reel ang latest post nito kung saan makikita ang larawan ni Jovit at may background song na “My Everything”.
Caption pa niya, “Miss na miss na po kita love ko.”
Wala naman siyang diretsahang sinabi kung ano nga ba ang naging dahilan kung bakit nga ba na-ospital si Jovit.
Huli namang napanood ang mang-aawit noong Nobyembre sa isang episode ng “Family Feud”.
Dalangin naman namin sa Bandera ang agarang paggaling ni Jovit.
Related Chika:
Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama
Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan
Read more: https://bandera.inquirer.net/291931/hamon-ni-jovit-sa-ex-dyowa-ayusin-mo-muna-problema-mo-bago-mo-ulit-ako-babuyin-at-siraan#ixzz7mpyRdY2U
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.