Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama | Bandera

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Ervin Santiago |August 30,2021
facebook
share this

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Ervin Santiago - August 30, 2021 - 08:55 AM

Jovit Baldivino

NILAYASAN na pala ng dati niyang karelasyon ang “Pilipinas Got Talent” grand winner na si Jovit Baldivino bitbit ang kanilang anak.

Ayon kay Jovit, bilang ama nais niyang makuha ang bata mula sa nanay nitong si Sarah Chavez para mabigyan ng magandang buhay at mailayo sa masasamang impluwensiya.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng singing champ kung gaano na niya ka-miss ang limang taong gulang na anak na matagal na niyang hindi nakikita matapos nga siyang iwan ni Sarah.

“Magandang araw po sa inyong lahat maraming maraming salamat po sa lahat nang patuloy na sumusuporta, naniniwala at nagmamahal sa akin.

“Marami pong nagtatanong sa akin kung nasan daw si Mrs. Shara jane Chavez Cruzat, mawalang galang na po matagal at wala na po akong connection sa kanya.

“Hindi ko nga po alam kung nasaan sya kahit nga po anak ko hindi na nya ipinakita sa akin matagal na panahon na, at kung ano man pong lumabas na issue o pang i-scam nya, hindi na po bago yun, hehehe!

“Wala po ako pakialam dyan, problema nya yan, at siguro naman po alam nyo na ang tunay na pagkatao nya, ang sa akin lang po eh yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama.

“Kasi matagal na nya itinatago sa akin syempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko, yung pamilya ko nga nalulungkot pag hindi nakita ang pamangkin at apo, eh ano pa naman ang isang ama, na lagi na lang nagaalala at nagtatanong kung malaki na ba, madaldal na ba, kumakanta rin ba o ano etc,” pahayag pa ni Jovit.

Aniya, okay na raw ang personal na buhay niya ngayon pero alam niyang hindi pa rin buo ang kanyang pagkatao dahil patuloy siyang nangungulila sa anak.

“Masaya na po ako ngayon, at masaya na din kasi nabigyang linaw na lahat, yung matagal na panahong nanahimik ako sa bintang at kasalanan na hindi ko naman ginawa, pinagpasa Dyos ko na lang lahat.

“Kasi sya naman talaga nakakaalam ng lahat, pero mas sasaya siguro ako kung kasama ko ang anak ko sa magandang buhay at tapat na hanapbuhay, yung habang lumalaki sya na may paniniwala at takot sa Panginoon, Salamat po sa inyong lahat Godbless Everyone,” ang mahaba pang litanya ni Jovit.

Kung matatandaan, dating fan ni Jovit si Sarah hanggang sa magkaroon nga sila ng relasyon at noong 2016 ay nabiyayaan sila ng anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit makalipas ang mahigit isang taon, naghiwalay din sila matapos akusahan ni Sarah si Jovit na nambababae raw. Mariin naman itong itinanggi ng singer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending