Resbak ni Shara kay Jovit: Wala kang karapatang mag-ambisyon sa custody ng anak ko dahil wala ka pa ring kwenta! | Bandera

Resbak ni Shara kay Jovit: Wala kang karapatang mag-ambisyon sa custody ng anak ko dahil wala ka pa ring kwenta!

Ervin Santiago |August 31,2021
facebook
share this

Resbak ni Shara kay Jovit: Wala kang karapatang mag-ambisyon sa custody ng anak ko dahil wala ka pa ring kwenta!

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 09:01 AM

Jovit Baldivino at Shara Chavez

NAGKASAGUTAN na ang dating magkarelasyon na sina Jovit Baldivino at Shara Chavez Cruz matapos ipagsigawan ng singer na nais niyang makuha ang custody ng kanilang 5-taong gulang na anak.

Hindi nagustuhan ni Shara ang mga binitiwang salita ng dating partner kaya talagang matapang nitong sinagot ang mga patutsada sa kanya ni Jovit.

Ayon kasi sa dating “Pilipinas Got Talent” grand winner, “Ang sa akin lang po eh yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na nya itinatago sa akin.

“Syempre, bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko,” sabi pa ni Jovit sa kanyang Facebook post kasabay ng paglilinaw na wala siyang kinalaman sa “scam” na kinasasangkutan ngayon ni Shara.

Sumagot si Shara sa pamamagitan din ng FB at dito nga niya sinabi na hindi totoong nang-scam siya ng mga investors sa kanyang business, ang SCosmetics.

Nagdetalye si Shara tungkol sa mga nangyari sa nasabing negosyo, “May mga hinire po na admin na nakikipag settlement sa mga investors. Need po talaga mag follow ng process hindi po yan utang.

“Investment po ito sana aware kayo kasi ito ay FREE WILL ng lahat. Wala po pumilit sa inyo kahit isa. Makipag usap nlng po tayo ng maayos para maayos na ang problema na ito. Stress na rin ang lahat.

“Closed na din po nya ang CORP, nag file sya ng bankruptcy nung isang araw ko lang din nalaman. Ang focus now is makipag settlement sa tao.

“Humihingi rin ako ng tawad sa lahat investors na naapektuhan, madami po ako pagkukulang at nagtiwala po ako ng buong buo at patawad po sa lahat ng mga nadamay,” paliwanag ng dating dyowa ni Jovit.

Kasunod nito, binuweltahan din ni Shara si Jovit, “At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.

“Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka? Di kpa rin nagbabago.

“Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO.

“Kung may scammer sa ating dalawa baka ikaw yun, baka nga budol ka pa. Tanda ko nung Birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang Fan para may pang gastos kuno sa Birthday nya ginamit mo pa picture namin na nasa hotel kami kunyari ikaw ang gumastos e sa totoo wala naman.

“Nananahimik ako, wala ako pakielam busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman, manginig ng kahit konti, kabahan sa sinasabi please.

“Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama!

“Kagaya ng sinabi ko noon, uulitin ko ulit ngayon kung may kikilalanin syang ama wag ka mag alala at hindi ikaw yun!

“Hindi ako interesado sa mga opinyon mo about sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero para i-drag mo dito ang anak ko at mag pa awa kunyari mabuting ama ka, ibang usapan na yun,” sabi pa ni Shara na ikinasal na raw sa isang non-showbiz guy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang matapang ding sagot ni Jovit sa mga pahayag ni Shara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending