Jovit Baldivino nagpaparamdam sa fiancè na si Camille: May malamig na yumayakap sa katawan ko | Bandera

Jovit Baldivino nagpaparamdam sa fiancè na si Camille: May malamig na yumayakap sa katawan ko

Pauline del Rosario |December 25,2022
facebook
share this

Jovit Baldivino nagpaparamdam sa fiancè na si Camille: May malamig na yumayakap sa katawan ko

Pauline del Rosario - December 25, 2022 - 12:41 PM

Jovit Baldivino nagpaparamdam sa fiancè na si Camille: May malamig na yumayakap sa katawan ko

PHOTO: Facebook/Camille Ann Miguel

PATULOY pa ring nagluluksa si Camille Ann Miguel, ang fiancè ng pumanaw na iconic singer na si Jovit Baldivino.

Kasabay niyan ay naikuwento ni Camille sa social media na nagpaparamdam sa kanya ang OPM singer.

Sa latest post niya sa Facebook ay napa-throwback muna siya sa nakagawian ng kanyang partner tuwing sasapit ang Pasko.

Sinabi niya na laging nakaabang si Jovit sa orasan dahil eksakto tuwing 12:00 a.m. ay babatiin na siya nito.

Caption ni Camille sa isang FB post, “Love ko.. ngayon ako na po una babati sau (broken heart emoji) unang pasko simula naging tayo na d kita kasama sobrang hirap kaya naunawaan naman nila ko na wala munang pasko at bagong taon (broken heart emoji).”

Dagdag pa niya, “kung nasaan ka man ngayon asawa ko sana masaya ka dyan (crying face emoji) ‘yung lagi ka nakaabang sa oras kada meron tayo ice-celebrate para saktong 12 nababati mo ako agad (crying face emoji)”

Sinabi pa ni Camille na sobrang sakit ang kanyang nararamdaman, pero pipilitin niyang mag-move on dahil alam daw niya na nakikita siya ni Jovit na nasasaktan.

“Eto yung last christmas natin na tinotoyo ako pero nandyan ka pa din para suyuin ako (crying face emoji) Love ko mahal na mahal din po kita at mamahalin pa habang buhay (crying face emoji) mahirap tanggapin sobra..wala ng mas sasakit sa pagsubok nato asawa ko (broken heart emojis) pero kailangan kong kayanin para sayo dahil alam kong kung nahihirapan ako mas nahihirapan kang nakikita mo akong ganito,” aniya.

Nabanggit pa niya na nagpaparamdam sa kanya si Jovit sa tuwing siya raw ay umiiyak.

Kwento ni Camille sa FB post, “hindi ka man nagpapakita sakin pero ramdam kita ramdam ko pa din ang pagmamahal mo dahil sa tuwing umiiyak ako biglang meron malamig na yumayakap sa katawan ko..salamat asawa ko sa pag gabay sken para makayanan ko unti unti to di man ngayon pero pipilitin kong kayanin (crying face emojis)”

“Lagi mo tandaan na kahit anong mangyari walang magbabago kung gaano kita kamahal(crying face emojis) Merry Christmas in heaven Love ko crying face emoji),” lahad niya.

December 9 nang pumanaw si Jovit matapos operahan at ma-comatose ng limang araw dahil sa aneurysm o pamumuo ng dugo sa utak.

Kinumpirma ‘yan mismo ng pamilya ng singer sa pamamagitan ng isang official statement na ibinahagi ng entertainment journalist na si MJ Felipe.

Ayon pa sa pahayag ng pamilya, “CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days.”

Related chika:

Ilang celebrities nagluksa, nakiramay sa pagkamatay ni Jovit Baldivino: ‘Isang kapatid sa pag-awit’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending