Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer | Bandera

Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer

Pauline del Rosario |December 10,2022
facebook
share this

Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer

Pauline del Rosario - December 10, 2022 - 10:37 AM

 

Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer

NAGLABAS ng saloobin ang misis ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel sa social media sa pagpanaw mg mister.

Sa isang Facebook post ay inisa-isa ni Camille ang mga bagay na mamimiss niya sa asawa.

Sinabi rin niya na mag-isa nalang siya ngayon kaya siguradong mahihirapan na raw siya.

Sey niya sa post, “Asawa ko dko alam pano ulit ako mag sisimula dko alam pano ko sa araw araw (crying emoji) nasanay akong alagaan ka araw araw hintayin ka Lagi makauwe para masubuan kita kumaen  (crying emoji)”

“Love sobrang hirap na naiwan akong mag isa na dko alam pano uli mag sisimula ng wala kna sa tabi ko (crying emoji),” patuloy pa niya.

Nabanggit din ni Camille na bago maoperahan ang mister ay nangako ito na babalik sa kanya.

Lahad sa FB ost, “alam kong Lumaban ka tulad ng pangako mo sken bago ka maoperahan na hintayin kita at Lalaban ka (crying emoji) alam kong ginawa mo lhat ng makakaya mo para Lumaban kase pag kinakausap kita sa ICU kht umiiyak ka  (crying emoji).”

“Sobrang sakit sobrang hirap alam ng lhat at Lalong alam mo kung Gaano kita kamahal at Lalong alam ko po kung gaano mko kamahal,” aniya.

May plano din daw ang mag-asawa na magpakasal at magkaanak.

Ayon kay Camille, “magpapakasal pa tayo eh mag bababy pa tayo napakadami pa nten plano (crying emoji) nasanay akong ikiss ka bago matulog at pagkagsing kayakap ka buong mag damag pano nko Love pano nko (crying emoji).”

Nangako pa ang misis ni Jovit na kahit wala na ang singer ay patuloy pa rin siyang nandyan para sa pamilya ng mister.

Sey niya, “ayokong mahirapan ka pa kaya kung san ka man ngaun magpahinga kapo at wala knang sakit na mararamdaman dko na sasabihn gagawin ko nlng na kht wala kna andto pdn ako sa likod ng pamilya mo na pamilya ko naren napaka hirap tanggapin pero kailangan  (crying emoji) MAHAL NA MAHAL PO KITA LOVE KO AT D MAG BABAGO YAN KAILANMAN (crying emoji).”

May isa pang post si Camille sa Facebook at ipinost ang picture ng burol ni Jovit.

Caption pa niya, “Hindi ko Lubos maisip na makikita kitang andyan (crying emoji) sobrang hirap ng sitwasyon kong ganto (crying emoji) nangyare na ang d inaasahan P*t*ng *nan* Buhay to!!! mag papasko mag babagong taon (crying emoji) mahal na mahal po kita Love ko

Samantala, naglabas na ng official statement ang pamilya ni Jovit tungkol sa kanyang pagkamatay.

‘Yan ay ibinahagi ng entertainment journalist na si MJ Felipe sa social media.

Base sa post, ang pahayag ay ipinadala ng dating handler ni Jovit sa Star Magic na si Jerry Telan.

Ikinuwento ng pamilya na nagpapagaling mula sa hypertension ang OPM icon at payo pa ng doktor ay huwag na munang kumanta.

Pero nag-perform pa rin daw ito habang nagpapagaling matapos maimbitahan ng isang family friend sa Batangas City.

Tatlong kanta ang inawit ni Jovit at sa huling awitin daw ay nahirapan na ito huminga kaya isinugod na siya sa ospital.

Sey sa official statement, “According to Jovit Baldivino’s parents Mr.Hilario ‘Larry’ and Mrs.Cristeta Baldivino and fiancé Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022) he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines.”

“Then he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor’s advice not to sing while recuperating. Knowing “Bundoy” (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Faithfully by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song,” dagdag pa sa post.

Patuloy sa pahayag ng pamilya, “After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Nazareth of Jesus Hospital last December 3, 2022 around 10pm.”

Matapos daw isagawa ang ilang medical tests ay nakita nga na may aneurysm o pamumuo ng dugo sa utak ang singer.

Inoperhan ang singer noong December 4 upang tanggalin ang mga namumuong dugo at pagkatapos niyan ay na-comatose na siya ng limang araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days,” sey ng pamilya.

Related chika:

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending