Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan | Bandera

Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan

Ervin Santiago |August 31,2021
facebook
share this

Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan

Ervin Santiago - August 31, 2021 - 12:19 PM

Jovit Baldivino

HINDI basta nanahimik ang “Pilipinas Got Talent” grand winner na si Jovit Baldivino sa naging resbak ng dating partner na si Shara Chavez laban sa kanya.

Sa kanyang Facebook account, sinagot ng singer ang mga paratang at patutsada ng nanay ng kanyang limang-taong-gulang na anak bilang isang tatay.

Ipinagdiinan ni Jovit na alam niya ang mga nangyayari sa buhay ng dating karelasyon at yun daw ang dahilan kung bakit nais niyang kunin ang anak at mapunta sa kanyang kustodiya.

“Liliwanagin lang kita Mrs. Shara Jane Chavez Cruzat, Hindi sa nagpapasikat ako hehe, naranasan ko na ang sumikat hindi naman sa nagyayabang ako, eh ikaw?

“Nakilala ka lang naman dahil (sa akin), at wag mong sasabihin na wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay mo? Dahil Hindi naman ako magpopost nang ganito kung hindi ako nadadamay sa problema mo! Halos mga kaibigan ko, friends ko sa social media accts ko at kung sino sino pang tao na nascam mo, na hinahanap ka sa akin,” simulang mensahe ni Jovit kay Shara.

“At kung sinasabi mo na nanghingi ako sa fans nang panghanda nang anak ko? Mrs. Shara nagkakamali ka ata! Hindi ko kailangang humingi nang pera sa mga fans ko at sa fansclub ko.

“Ikaw itong nawala na sa linya nung time na malapit na ang b-day ni Akeya, naghanda ako, nagplano kami nang mga kaibigan ko para puntahan kayo at sinabi mo pa na sa akin na merong paborito ang anak ko na ganyang bagay, binili ko yun at ginawa namin yun, pero hindi kana sumasagot.

“Kaya hindi pa din nasayang ang hinanda namin kinain na lang namin at nagcelebrate na lang kami nang mga kaibigan ko, and tinago ko na lang yung gustong gift ko sana sa anak ko.

“Kasi daw guyss, saka na lang sya sumagot makailang araw after bday ni akeya, at sabi nya sa akin, kung ano ano daw mga kinukwento about sa kanya na nakarating daw sa kanya, Eh hindi naman po ako nagsisinungaling pag tinatanong ako, nagsasabi naman po ako nang tunay.

“At wala naman akong sinasabi na masama, nainsecure ata sya kaya hindi na nagreply nung bday ni keya, at yun naman talaga ang dahilan kaya hindi na sya nagparamdam at hindi na din pinakita ang anak ko, simpleng bagay pero na guilty ata sya,” pahayag pa ng singer.

“Umabot na sa news ang problema mo Mrs. Shara, ang kailangan lang naman dito eh maibalik mo yung Milyong Milyon na kinuha mo sa kanila, maawa ka sa mga kaibigan ko, at sa mga taong naginvest sa inyo na mapapapunta lang sa wala.

“Isipin mo na pandemya ngayon kailangan ng tao ang pera nila kasi hindi naman basta basta pinupulot ang pera, hindi ka ba nagaalala na apektado ang anak ko sa problema mo? Hindi mo ba naiisip yun? Bakit ka ba nagtatago? 

“Harapin mo sila at kausapin HINDI YUNG GAGAWA KA NA NAMAN NG KWENTO PARA MAIIWAS MO PANGALAN MO SA ISSUE, tapos hahanapan mo pa ako ng butas para masira na naman ako sa mga TAO, ang galing mo ah nahahanapan mo ako nang problema  eh ang problema mo nga di mo magawan nang paraan? Hehehe.

“WAG KANG MAG MALINIS AT IKAW ANG MANGINIG SA MGA PINAG GAGAGAWA MO! HEHE, NAKA AIRPLANE MODE KAPA MRS. SHARA TSSSSKKKK. IWASSS LANG?” sabi pa ni Jovit.

Tungkol naman sa pagiging ama sa kanilang anak, “At kung sasabihan mo ako ng walang silbing ama manginig ka ulit Mrs. Shara, ikaw ang walang silbing ina para sabihin mo sa tao na  WAG AKONG MAGALALA AT HINDI AKO YUNG KIKILALANING AMA NI AKEYA!

“Paano mo nasasabi ang ganyang bagay? Bakit hindi ako kikilalanin na ama nang anak ko? Grabe ka!!! Kung may pagkakamali ako, mas malaki pagkakamali mo kasi inilayo mo sa akin ang anak ko.

“Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan sa kanila, matagal akong nanahimik Mrs. Shara kahit sobrang sakit nang naririnig ko sa kanila halos balatan ako nang buhay, binaliktad mo lahat, pinaniwala mo sila sa mga kasinungalingan mo  kung pwede ko lang bawiin din lahat nang mga nagawa at nabigay ko naisip ko na lang na kay akeya na lang yun.

“Kahit alam nila alam ko at alam nang dyos na wala akong ginawang mali sa inyo, oo dinadamay ko ang panginoon kasi sya naman talaga ang nakakaalam nang lahat. IBALIK MO ANG PERA NILA PARA HINDI AKO NADADAMAY NANG WALA KANG NARIRINIG SA AKIN!!” litanya pa ni Jovit Baldivino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot si Shara sa mga mga pinagsasabi ni Jovit. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Shara hinggil sa issue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending