Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29 | Bandera

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Pauline del Rosario |December 09,2022
facebook
share this

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Pauline del Rosario - December 09, 2022 - 09:30 AM

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

PHOTO: Instagram/@jovitbaldivino

PUMANAW na ang “Pilipinas Got Talent” grand winner at OPM singer na si Jovit Baldivino sa edad 29.

Kinumpirma ito mismo ng kanyang pamilya.

Nag-post pa sa social media ang kanyang asawa na si Camille Ann Miguel ng sweet photo nilang dalawa na may caption na, “ASAWA KO” kalakip ang maraming crying emojis.

May hiwalay rin siyang post na nakasad naman ay, “Anong sama ng papasko mo smen (crying emojis).”

Makikita sa comment section ng mga post na libo-libong fans na ang nakiramay.

Noong December 6 lamang ay naglabas ng saloobin si Camille patungkol sa maling impormasyon na kumakalat sa social media.

May mga balita kasi na nag-collapse ang kanyang asawa sa isang party kaya dinala ang singer sa ospital.

Naiinis na saad ni Camille, “Sa lahat po ng nagpo-post sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at di kayo nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission.” 

Walang detalye kung bakit nasa ospital si Jovit, pero kinumpirma ni Camille sa pep.ph na talagang naka-confine ang kanyang mister.

Huling napanood ang mang-aawit noong Nobyembre sa isang episode ng “Family Feud”.

Si Jovit ang kauna-unahang nagwagi sa first season ng talent competition na “Pilipinas Got Talent” noong 2010. 

Sinalihan niya ang kompetisyon dahil naniniwala siya na ito raw ang mag-aangat sa kanyang pamilya mula sa kahirapan.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan

Resbak ni Shara kay Jovit: Wala kang karapatang mag-ambisyon sa custody ng anak ko dahil wala ka pa ring kwenta!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending