Ilang celebrities nagluksa, nakiramay sa pagkamatay ni Jovit Baldivino: ‘Isang kapatid sa pag-awit’ | Bandera

Ilang celebrities nagluksa, nakiramay sa pagkamatay ni Jovit Baldivino: ‘Isang kapatid sa pag-awit’

Pauline del Rosario |December 10,2022
facebook
share this

Ilang celebrities nagluksa, nakiramay sa pagkamatay ni Jovit Baldivino: ‘Isang kapatid sa pag-awit’

Pauline del Rosario - December 10, 2022 - 11:12 AM

Ilang celebrities nagluksa, nakiramay sa pagkamatay ni Jovit Baldivino: ‘Isang kapatid sa pag-awit’

BUKOD sa pamilya ni Jovit Baldivino, nagluluksa rin ang music industry sa pagkawala ng OPM icon.

Isa na riyan ang matalik na kaibigan ni Jovit at isa ring grand winner ng “Pilipinas Got Talent” na si Marcelito Pomoy.

Sabi niya sa isang Facebook post, isa siya sa mga unang nakaalam sa pagkamatay ni Jovit.

Ikinuwent pa niya na tinawagan pa niya ito sa pamamagitan ng video call at umaasang magigising pa ito.

Sey sa FB post ni Marcelito, “Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT.. pahinga ka na… no more pain parekoy… isa kang tunay na kaibigan… hinding hindi kita malilimutan… (crying emoji).”

Nabanggit din ni Marcelito na binisita niya pa si Jovit noong nalaman niya na na-ospital ito.

Plinano pa nga raw niyang magtayo ng isang benefit concert para suportahan ang pangangailangan ng singer ngunit huli na raw ang lahat.

Ani Marcelito, “From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy… thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight.”

Hindi naman makapaniwala si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano at sinabi sa isang tweet na parati niyang inaabangan sa ASAP ang pagkanta ni Jovit.

Lahad niya sa post, “Parang I still can’t believe this. I’ll never forget how I would always wait to hear his parts in ASAP. He always got to prove why he was Pilipinas Got Talent’s champion. I always always always would try to encourage him to keep shining. Sing for Jesus when you see Him Jovit.”

Nakiramay din ang iconic singer na si Dulce at ibinandera sa Facebook ang litrato nila habang nagpe-perform.

Saad ni Dulce sa FB post, “This is our only picture I can find for now Jovit, we’re onstage Manila Hotel performing together with Marcelito Pomoy. Rest now Jovit Baldivino…”

Inalala naman ng comedian-actress na si Kiray Celis ang masasayang alaala kasama si Jovit at ibinahagi pa ang isang birit challenge video.

Sey pa niya sa caption, “Jovit…. totoo ba to? Ang saya saya pa natin dito.. hindi ka lang naging mabuting kaibigan samin. Para ka na naming kapatid eh (sad emoji) mamimiss ka namin. At mahal na mahal ka namin! (crying emoji)”

May post din ang singer na si Rhap Salazar at sabi niya sa post, “Isang kapatid sa pag-awit. Rest in Peace, Jovit Baldivino (sad emoji)”

Maraming kapwa-celebrities at personalities ang nakiramay sa mga naiwang pamilya ni Jovit at ilan na riyan sina Ogie Alcasid, at Yeng Constantino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

December 9 nang pumanaw si Jovit matapos operahan at ma-comatose ng limang araw dahil sa aneurysm o pamumuo ng dugo sa utak.

Kinumpirma ‘yan mismo ng pamilya ng singer sa pamamagitan ng isang official statement na ibinahagi ng entertainment journalist na si MJ Felipe.

Ayon pa sa pahayag ng pamilya, “CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days.”

Related chika:

Misis ni Jovit Baldivino hindi matanggap ang pagpanaw ng mister, kinumpirma ng pamilya na may ‘aneurysm’ at na-comatose ang singer

Jovit Baldivino pumanaw na sa edad 29

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending