Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute | Bandera

Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute

Ervin Santiago |December 14,2022
facebook
share this

Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute

Ervin Santiago - December 14, 2022 - 10:40 AM

Huling gabi ng lamay para kay Jovit Baldivino dinagsa ng mga kaibigang celebs at fans; binigyan ng musical tribute

Jovit Baldivino

BAGO ihatid sa kanyang huling hantungan ngayong araw, December 14, binigyan muna ng musical tribute ang pumanaw na OPM artist na si Jovit Baldivino.

Kagabi, dumagsa sa last night ng burol ni Jovit ang ilang kapamilya, mga malalapit niyang kaibigan sa mundo ng showbiz at mga tagasuporta.

Napuno ng mga taong nakikiramay ang bahay ng yumaong singer sa huling gabi ng kanyang lamay sa Rosario, Batangas.

Naging emosyonal ang lahat ng nasa lamay nang handugan na nga ng mga naroong singer si Jovit habang inaalala ang kanilang hindi malilimutang bonding moments noong nabubuhay pa ito.

Ayon sa ilang kaibigang musician ni Jovit, tuwing may events daw ang namatay na OPM artist ay hindi nito nakakalimutang imbitahan at isama sila para sama-sama silang nagpe-perform.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jovitbaldivino (@jovitbaldivino)


Nag-effort din ang ilang fans ni Jovit para makadalaw sa huling araw ng lamay na nagmula pa sa  malalayong lugar. Isa na nga riyan  si Jeffrey Ragual na taga-Ilocos Norte.

Chika ni Jeffrey sa panayam ng ABS-CBN, dream come true raw para sa kanya ang maka-duet noon ang kanyang idol na siyang itinanghal na grand winner sa unang season ng “Pilipinas Got Talent”.

Isa raw talaga si Jovit sa naging inspirasyon niya para ipagpatuloy ang pangarap niyang maging musikero.

Dumating din sa burol para magbigay ng kanilang huling pamamaalam kay Jovit ang mga ka-batch niya sa “Pilipinas Got Talent” season 1 at mga kapwa singers na sina Erik Santos, Liezel Garcia, Klarisse de Guzman at Laarni Lozada.

Sumakabilang-buhay si Jovit nitong nagdaang Biyernes ng umaga, December 9, sa edad na 29. Mismong ang partner ng singer na si Camille Ann Miguel ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.

Ayon sa pamilya ni Jovit, pagputok ng ugat o aneurysm umano ang dahilan ng pagkasawi ng singer.

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Kiray sa biglang pagpanaw ni Jovit: Pinagbawalan na pala siyang kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending