Kiray sa biglang pagpanaw ni Jovit: Pinagbawalan na pala siyang kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya... | Bandera

Kiray sa biglang pagpanaw ni Jovit: Pinagbawalan na pala siyang kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya…

Ervin Santiago |December 11,2022
facebook
share this

Kiray sa biglang pagpanaw ni Jovit: Pinagbawalan na pala siyang kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya…

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 10:16 AM

Kiray sa pagkamatay ni Jovit: Pinagbawalan na pala siyang kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya...

Kiray Celis at Jovit Baldivino kasama ang iland kaibigan

MALALIM ang hugot ng Kapuso comedienne at social media influencer na si Kiray Celis sa pagkamatay ng OPM artist na si Jovit Baldivino.

Naglabas ng kanyang saloobin ang komedyana nang malaman ang naging dahilan ng biglaang pagpanaw ng “Pilipinas Got Talent” season 1 grand winner.

Ayon sa resulta ng isinagawang CT scan kay Jovit, nagkaroon ng blood clot o bara sa kanyang utak, o ang tinatawag na brain aneurysm. Ilang araw din umanong na-comatose ang singer.

Batay sa ulat, sa kabila ng kanyang karamdaman, um-attend pa rin si Jovit sa isang event. Tila binalewala rin umano ng singer ang payo sa kanya ng doktor na magpahinga muna dahil ayaw niyang mapahiya sa mga nag-imbita sa kanya.

In fairness, todo perform pa rin si Jovit kahit may iniindang karamdaman hanggang sa nag-request pa nga ang audience sa dinaluhang party.

Dahil dito, kumanta pa uli si Jovit para pagbigyan ang audience kabilang na ang “Faithfully” na naging signature song na niya matapos manalo sa “PGT” ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Makalipas ang ilang sandali matapos ang kanyang performance, may nakakita kay Jovit na parang na-deform na raw ang itsura at tumutulo na ang laway habang nakaupo. Agad naman siyang isinugod sa ospital ng ilang nasa event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


At nang malaman nga ang nangyari kay Jovit, nag-post si Kiray sa kanyang Facebook account ng saloobin. Aniya, “Pinagbawalan na pala si Jovit kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya.”

Dagdag pa niya, “HIRAP rin po talagang maging performer o artista…

“Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago ka na.”

“Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila.”

“Kahit antok ka dapat hyper ka sa kanila.”

“Kahit gutom ka dapat nakangiti ka pa rin.”

“Kaya sana intindihin n’yo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema.

“Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait,” paalala pa ni Kiray.

Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan

Angeline shocked pa rin sa pagkamatay ni Jovit: Hindi ko makakalimutan ang kakulitan mo, at ang kasweet-an mo sa fans

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending