Angeline shocked pa rin sa pagkamatay ni Jovit: Hindi ko makakalimutan ang kakulitan mo, at ang kasweet-an mo sa fans
HANGGANG ngayon ay shocked pa rin ang Birit Queen na si Angeline Quinto sa biglaang pagpanaw ng kaibigan at kapwa singer na si “Pilipinas Got Talent” season 1 champion Jovit Baldivino.
Sumakabilang-buhay ang OPM artist nitong nagdaang Biyernes, December 9, sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City dahil sa aneurysm o pamumuo ng dugo sa utak.
Talagang ikinabigla ng kanyang mga kaibigan sa entertainment industry ang pagkamatay ni Jovit at isa nga sa mga nagluluksang celebrity ngayon ay si Angeline na nakasama ng singer sa ilang shows here and abroad.
Sa kanyang Facebook account, idinaan ni Angeline ang kanyang mensahe para kay Jovit kalakip ang litrato nila na magkasamang nagpe-perform sa isang concert.
Aniya, hinding-hindi niya malilimutan ang kakulitan ni Jovit at kung gaano raw ito ka-sweet sa mga fans.
View this post on Instagram
“Isa sa pinakamagandang boses at pinakamabait na nakatrabaho ko nu’ng nagsisimula ako sa industriya,” simulang pagbabahagi ni Angeline.
Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko makakalimutan ang kakulitan mo Jovs. Lalo kung gaano ka kasweet sa mga taga hanga mo.
“Napakaaga naman masyado Jovs. Sana hindi na lang totoo na nangyari ito.
“Salamat Jovit sa pagkakaibigan at mga pagkakataon na makatrabaho kita. Kantahan at pasayahin mo sila dyan sa langit ah Jovs. Mahal na mahal ka namin,” pahayag pa ng Kapamilya singer-actress.
Ayon sa official statement ng pamilya ni Jovit, pumanaw ang singer matapos operahan at ma-comatose ng limang araw dahil sa aneurysm.
“CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days,” ang bahagi ng pahayag ng pamilya ni Jovit.
Jovit Baldivino gustong mabawi ang anak sa dating dyowa: Gusto ko siyang ilayo sa masama
Hamon ni Jovit sa ex-dyowa: Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan
Jovit Baldivino hindi totoong nag-collapse, misis umalma sa lumalabas na fake news
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.