Vice Ganda dalangin ang magkaroon ng 'good health', nakakaramdam na ng pagod sa trabaho | Bandera

Vice Ganda dalangin ang magkaroon ng ‘good health’, nakakaramdam na ng pagod sa trabaho

Therese Arceo |December 21,2022
facebook
share this

Vice Ganda dalangin ang magkaroon ng ‘good health’, nakakaramdam na ng pagod sa trabaho

Therese Arceo - December 21, 2022 - 12:07 AM

Vice Ganda dalangin ang magkaroon ng 'good health', nakakaramdam na ng pagod sa trabaho
USAP-USAPAN ngayon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil tila nakakaramdam na ito ng pagkapagod sa kanyang sunud-sunod na trabaho.

Nitong Lunes, December 19 ay nag-tweet ang TV host-comedian ng kanyang panalangin na mabigyan siya ng karagdagang lakas at huwag sanang magkasakit.

“Really exhausted. Oh Lord pls give me all the extra strength that i will need for the days to come. And please bless my health oh Lord. I dont want to get sick,” pagbabahagi ni Vice.

Masyado kasing naging abala ang komedyante sa kanyang mga proyekto dahil sa kabila ng kanyang Kapamilya shows na “It’s Showtime” at “Everybody Sing” ay mayroon rin itong film entry na pinamagatang “Partners in Crime” kung saan kasama niya si Ivana Alawi.

At para nga rin i-promote ang kanyang pelikula ay nagkaroon ng motorcade si Vice Ganda sa Maynila kung saan matagal rin siyang nakababad sa init ng araw at may mga pagkakataon ring sumakay siya sa motor para magpasaya sa madlang pipol.

Ibinahagi nga rin niya ang ilang mga larawan na kuha sa nagdaang motorcade niya kung saan nagkaroon rin siya ng chance na makabisita sa lugar na kanyang kinalakihan.

“Maraming maraming salamat sa mga kapitbahay ko at sa lahat ng mga Manileño na nag-abang, kumaway, sumigaw, nag i love you at ngumiti sakin kanina sa #PartnersInCrime motorcade. Nakakagalak as ennnnn! Merry Christmas! I love you!” saad ni Vice.

Bumuhos naman ang mga mensahe ng suporta at panalangin para sa “It’s Showtime” main host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“Mag pahinga ka kung d na keri, ikaw na nag sabi pag pagod mag pahinga baka san pa mapunta yang kapaguran mo lumalala yan manonood pa ako sayo, mag pahinga ka my Queen please,” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “iloveyou, always prioritize your self & ur health ganda. hindi namin kayang makita na nag number 1 yung movie mo while ur in a sick:<< take a rest ma.”

“Lord please lend all your strength to our dearest Meme Vice. She needs it more than all of us especially these past few days and for the days to come. Wag mong papabayaan sarili mo Ma. Hindi ko na alam kung matutuwa paba ako sa mga ganaps mo lately o maiiyak dahil sa pagod mo,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Vice Ganda nagpaayos ng ngipin sa halagang P500k: Kapag nabuo ito, P1-M worth of smile talaga!

Vice Ganda hindi lalayasan ang ‘Showtime’: Ang dami ko lang labada at sinampay, I’ll be back soon!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending