Neri sa 8th wedding anniversary nila ni Chito: 12 years na tayong naglalandian...thank you sa pagiging best husband! | Bandera

Neri sa 8th wedding anniversary nila ni Chito: 12 years na tayong naglalandian…thank you sa pagiging best husband!

Ervin Santiago - December 14, 2022 - 01:07 PM

Neri sa 8th wedding anniversary nila ni Chito; 12 years na tayong naglalandian...thank you sa pagiging best husband!

Chito Miranda at Neri Miranda

WALONG taon nang kasal ngayon ang celebrity couple na sina Neri Miranda at Chito Miranda at habang lumilipas ang panahon ay mas tumitindi pa raw ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ni Neri ang anniversary message niya para kay Chito kung saan nabanggit niyang mula noon, hanggang ngayon ay ang bokalista pa rin ng Parokya ni Edgar ang tanging nilalaman ng kanyang puso.

Kalakip ang litrato nilang mag-asawa, narito ang nakakakilig na message ng aktres at celebrity mom sa 8th wedding anniversary nila ng OPM icon at singer-songwriter.

“Happppppy 8th wedding anniversary, Dad! 8 years na tayong kasal, 12 years na tayong naglalandian.

“Thank you sa pagiging best husband! Thank you at araw-araw mo pa rin akong pinapatawa, nililigawan, pinapakilig, at kinukwentuhan ng buhay buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nerizza Miranda (@mrsnerimiranda)


“Mas gusto mong kasama kami ng mga anak mo kaysa tumambay kung saan man. The best dad ka talaga,” pahayag pa ni Neri.

Pinasalamatan din niya ang “Idol Philippines” judge dahil sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta nito sa kanya anuman ang mangyari.

“Pero ikaw naman ang only 1 sa puso ko. Nahawa na ako sa kakornihan mo,” sabi pa ng wais na misis.

“Gising na! Lunch date tayo mamaya? Treat ko na! basta buy tayo flowers at eucalyptus plants after,” pahabol pang mensahe ni Neri.

Nito lamang nakaraang araw ay ibinandera ni Neri ang pagkakaroon ng sariling management company, ang Wais Communications Inc.. Siya na ngayon ang hahawak sa mga endorsements deals ni Chito at ng kanilang mga anak.

Sa ngayon, may 10 nang negosyo sina Neri at Chito, kabilang na ang mga restaurants, vacation house, salon at marami pang iba.

Ikinasal sina Chito at Neri noong December 14, 2014 at biniyayaan ng tatlong anak. Meron din silang adopted daughter na itinuturing na rin nilang parang tunay na anak.

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Ai Ai pinakilig ang netizens sa anniversary message para kay Gerald: I’m very lucky to have you as my husband…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko…buti na lang talaga nilandi kita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending