‘Year of Water Rabbit’ panahon ng kapayapaan at pagkakasundo, ayon sa ‘Queen of Feng Shui’ | Bandera

‘Year of Water Rabbit’ panahon ng kapayapaan at pagkakasundo, ayon sa ‘Queen of Feng Shui’

Armin P. Adina - December 10, 2022 - 03:34 PM

‘Year of Water Rabbit’ panahon ng kapayapaan at pagkakasundo, ayon sa ‘Queen of Feng Shui’

Marites Allen/ARMIN P. ADINA

SA ILALIM ng Chinese astrology, “Year of the Water Rabbit” ang 2023, at maaring makuha nito ang mga katangian ng hayop bilang mahinahon, sinabi ni “Queen of Feng Shui” Marites Allen.

“Thankfully, rabbit naman is known to be meek or mild, and love peace and harmony. And the center sector of 2023 has the romance in the middle,” sinabi ni Allen sa isang maliit na pagtitipon ng ilang kawani ng midya sa Manila House sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Nob. 28.

“I hope this is the year that the people who have separated can reconcile. Also having delayed your wedding because of the pandemic, it will be the time for you to do it,” dinagdag niya.

Ngunit nagbabala si Allen na hindi lahat magiging mahinahon para sa susunod na taon. Sinabi niyang nasa buntot ng “Period of 8” ang mundo, at patungo na sa “Period of 9” na inaasahang kakikitaan ng higit na kapangyarihan para sa kababaihan, at iba pang mga pagbabago.

“It’s going to have a massive shift, so everything will change. That is why our theme is ‘hop, skip, or jump.’ So that is the idea of the rabbit, that is the characteristic of the rabbit,” pagpapatuloy ni Allen.

Isa ring “conflict year” ang 2023 para kay Pangulong Marcos Jr., na isinilang noong 1957 na isang “Year of the Fire Rooster.” Hindi lamang kontra ang apoy sa tubig ng susunod na taon, kontra rin ang tandang sa kuneho. Nananalangin din siyang matutugunan ng economic team ng bansa “all the difficulties” na mararanasan ng Pilipinas.

Marites Allen/ARMIN P. ADINA

Gayunpaman, nakikita niyang mas magiging maganda ang hinaharap ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya kaysa mga bansa sa Europe, “because they are closer to the war,” tinukoy ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

“When you talk about the economy, there are sectors that are gonna be favored, and sectors that’s not gonna make it. Every year it’s the same, if you have a lot of money, if you are an investor, there’s a lot for sale in the market. If you are a seller, there are not a lot of options, because there are a lot of available surplus in the market. It really depends which side of the coin you are on,” ipinaliwanag pa niya.

Magkakaroon siya ng higit na malawak, malalim, at detalyadong pagtatalakay sa bawat animal sign sa 2023 Feng Shui Convention, na isasagawa muli nang online. Mangyayari ito sa Dis. 17 at 18, at maaaring piliin kung anong mga bahagi o animal sign ang nais na madaluhan.

Pumunta sa opisyal na Facebook page ni Allen upang makuha ang mga detalya kung paano makapagpapatala para sa 2023 Feng Shui Convention niya.

Related chika:

Sumbong ni Sofia Pablo sa pang-aasar ni Allen Ansay: Parang hindi siya magiging masaya kundi niya ako pipikunin

Pampaswerte sa 2022: Bagong underwear, red at yellow gold dress, tiger…at mag-move on na sa ex-dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim pasok sa Top 3 maswerteng animal sign sa 2022; feng shui expert nagbabala sa ‘Monkey’, ‘Tiger’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending