Ivana naniniwala sa malas na hatid ng Ghost Month: Ingat lang

Ivana naniniwala sa malas na hatid ng Ghost Month: Ingat lang

Ervin Santiago - August 15, 2024 - 07:10 AM

Ivana naniniwala sa malas na hatid ng Ghost Month: Mag-ingat lang

Ivana Malawi

NANINIWALA ang Kapamilya actress at sexy vlogger na si Ivana Alawi sa maaaring maging epekto ng “Ghost Month” sa mga tao.

Matagal ng kapaniwalaan, base sa pag-aaral ng feng shui, na ang “Ghost Month” ay may dalang kamalasan o masamang balita sa sinumang magagambala nito.

Ito raw ay ang panahon kung kailan nagbubukas ang pinto ng impiyerno at nakakagala ang mga masasamang espirito, na nangyayari tuwing buwan ng Agosto, ayon pa rin sa mga feng shui expert.

Baka Bet Mo: Martin Nievera feeling ‘malas’ kaya hindi kinukuhang judge sa mga singing contest ng ABS-CBN

Sabi ni Ivana, tulad ng ibang Filipino-Chinese, may mga ginagawa o sinusunod din siyang paraan tuwing sasapit ang panahon ng “Ghost Month,” bilang pag-iingat na rin sa maaaring mangyaring hindi maganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“I’d rather follow kung ano ‘yung mga bawal, just to be careful. Kunwari, may bibilhin ako na lupa o kung ano man, ay hindi ko gagawin ngayong August.

“September ko na siya gagawin because, sinusundan ko lang siya, not because hindi naman ako super naniniwala pero sumusunod lang ako,” esplika ng content creator sa isang interview.

Sa tanong kung isa rin ba siya sa milyun-milyong Pinoy na naniniwalang meron talagang malas at suwerte.

Baka Bet Mo: Feng shui expert may ‘warning’ kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

“Naniniwala ako yes. I think it’s what you manifest, kunwari mina-manifest mo na ‘ay ang malas naman, baka malasin ako dito, or baka ito ‘yung mangyari’, mangyayari at mangyayari talaga siya.

“But if you are always positive or dedma ka talaga, maganda ‘yung mangyayari,” sey pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Hindi rin itinago ni Ivana na kumukonsulta rin siya sa mga feng shui experts kung paano makakaiwas sa kamalasan.

“Naka-feng shui ako, meron akong feng shui master. Tapos may mga crystals din, naglalagay sila sa house.

“Naka-feng shui even ‘yung move in date ko (sa bahay), naka-feng shui sa kung anong oras o kung anong araw (dadalhin o aayusin),” sabi pa ni Ivana.

“Ako sa mga kaibigan kasi ‘yung mom ko, hindi naman masyado naniniwala siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi siya aware sa mga feng shui dati kunwari sa mga puwesto ng salamin, ako naman sa mga itinuturo lang rin ng mga kaibigan natin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending