Martin Nievera feeling ‘malas’ kaya hindi kinukuhang judge sa mga singing contest ng ABS-CBN
SHOOKT ang Concert King na si Martin Nievera nang alukin siya para maging celebrity coach sa bagong season ng “The Voice Kids Philippines” ng ABS-CBN.
Hindi raw in-expect ng TV host at veteran OPM artist na io-offer sa kanya ang isang slot bilang coach ng bagong edisyon ng “The Voice Kids” kung saan makakasama niya sina KZ Tandingan at Bamboo.
“Kasi ‘yung last gig ko as a judge or as a coach was The X Factor. Matagal na ‘yon hindi ba?
“Then I Love OPM which is more of a fun musical reality show. Pero The Voice is a very big deal,” ang pahayag ni Martin sa guesting niya sa “Magandang Buhay.”
“Of course, when they asked you (Regine Velasquez) to do Idol feeling mo nasa American Idol ‘yung orig.
“So kapag sinabi mong Voice Kids, maiisip mo rin yung The Voice ‘yung pinaka-mothership sa America. So I want to be able to believe in myself to know that kaya ko,” sey pa ni Martin.
View this post on Instagram
Inamin din ni Martin na inisip niya noon na baka jinx o malas siya kaya hindi na siya kinukuhang judge o coach sa mga reality singing program ng ABS-CBN.
After nga kasi ng “X Factor Philippines” ay hindi na siya kinuha uli ng Kapamilya Network para maging hurado sa dami ng kanilang singing competition.
“Tapos may jinx factor din. Ang daming dumaan ng mga musical reality shows na hindi ako pinili as a coach and as a judge, ‘Baka malas si Martin let us not get him.’ Siyempre pumasok sa isip ko yun,” pahayag pa ni Coach Martin sa season 5 ng The Voice Kids.
Magsisilbi namang hosts ng show sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez, “The Voice Kids” alumni Elha Nympha and Jeremy G as online hosts.
Ang mga dating “The Voice Kids Philippines” winners ay sina Lyca Gairanod (2014), Joshua Oliveros (2016), at Vanjoss Bayaban (2019).
Nagsimula na nitong nagdaang weekend ang “The Voice Kids” sa Kapamilya Channel.
Martin Nievera super happy pa rin sa dyowang ‘prinsesa’, 10 years nang magkarelasyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.