Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya! | Bandera

Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya!

Ervin Santiago |October 03,2022
facebook
share this

Ice Seguerra tambay noon sa bahay ni Martin Nievera: Nakiki-swimming, nakikikain, feeling kapatid ng kids niya!

Ervin Santiago - October 03, 2022 - 10:35 AM

Ice may pa-tribute kina Martin at Gary, muling magsasanib-pwersa: Can't wait to do this concert with you!

Martin Nievera, Ice Seguerra at Gary Valenciano

SIGURADONG magiging highlight ng anniversary concert ni Ice Seguerra ang guesting nina Gary Valenciano at Martin Nievera na magaganap sa darating na October 15.

Dream come true para sa OPM icon at singer-songwriter ang makasama sa kanyang “Becoming Ice” 35th anniversary concert ang dalawang idol niya sa larangan ng musika.

Sa kanyang Facebook page, may pa-tribute pa si Ice para kina Martin at Gary kasabay ng pasasalamat sa pagpayag ng mga ito na mag-guest sa kanyang comeback concert na magaganap sa The Theatre at Solaire.

Mensahe ni Ice para sa tinaguriang Concert King, “Nu’ng bata ako, bago ko pa ma realize na siya si Martin Nievera, tambay na ako sa bahay nila. Nakiki swimming, nakikikain, feeling kapatid ng mga kids niya. Haha!

“Kuya Martin is the type of person na kahit isa na siyang haligi sa industriya, never niyang pinaramdam sa amin yun. Kuya siya ng lahat.

“I remember when we did shows in Japan, kahit madaling araw at maliit na venue, hindi nagbago ang performance niya. Du’n talaga ako napahanga sa kanya, lalo na kung paano siya makitungo sa mga taong nasa paligid niya.

“He’s someone I really look up to, mula noon hanggang ngayon, not just because of how good he is pero dahil sa puso niyang napaka generous.

“I love you, Kuya Marts! I’m so glad na magkasama tayo sa concert ko on October 15.”

Samantala, ito naman ang pa-tribute ng singer-actor at director kay Mr. Pure Energy, “Idol ko na si @garyvalenciano nasa tiyan pa lang yata ako ng nanay ko. I grew up listening to his songs. Ginagaya ko mga asta niya, from his dance moves hanggang panginginig ng baba, plakado dapat.

View this post on Instagram

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Never ko inakala na yung ulitimate idol ko eh makakasama ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl (movie), nakasama ko rin bilang isang manganganganta, nag mentor pa kami sa Elements Camp together, at pinalad akong ma direct siya sa isang production number for an event.

“His artistry knows no bounds, he’s the ultimate professional. Napaka ganda ng work ethics, marunong sumabay sa bago without losing his identity. Mapa dance songs o ballads, alam mo ang tatak ni Gary V.

“Parang bawat stage ng buhay ko, andiyan si Tito Gary kaya sobrang saya ko na kasama ko siya to celebrate my 35th Anniversary in the business.

“Thank you for continuing to inspire me with you excellence, hard work, and generosity. Tito Gary. Can’t wait to do this concert with you,” pahayag pa ni Ice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga wala pang ticket, call lang kayo sa Ticketworld (02-8891-9999) or visit premier.ticketworld.com.ph.

Martin Nievera super happy pa rin sa dyowang ‘prinsesa’, 10 years nang magkarelasyon

Sharon may pa-tribute sa b-day ni Kiko: I love you even if we’re best frenemies…with all my wawa heart!

Socmed influencer Francis Marcos kinampihan ng Comelec, tuloy ang pagtakbong senador

Concert ng The Juans sa Big Dome tuloy na tuloy na: May bida at kontrabida rin sa tema ng show!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending